Saturday , November 16 2024
gun shot

Mag-asawang call center agents todas sa pamamaril

PATAY ang mag-asawang call center agents nang pagbabarilin ng nag-iisang suspek sakay ng motorsiklo sa Brgy. Maharlika, Taguig City.

Kinilala ni Taguig City police chief P/Col. Celso Rodriguez ang mag-asawang biktima na sina Marcelo Tomas, 54, at ang asawa nitong si Zener Tomas, 41, ng Block 142 Lot 3 San Diego St., Brgy. Central Bicutan Taguig  City.

Base sa inisyal na ulat ng pulisya, humingi ng tulong sa Police Sub-Station si Esmael Sarip, barangay secretary ng Brgy. Maharlika.

Nangyari ang pamamaril sa mag-asawa sa San Diego St., Central Bicutan sa Taguig, dakong 1:10 pm sa Block 46, Lot 3, Brgy. Maharlika.

Walang kamalay-malay ang mag-asawa sa panganib na kanilang mararanasan nang biglang pinagbabaril ng hindi kilalang suspek.

Patuloy ang follow-up operation ng mga awtoridad sa posibleng motibo sa pagpaslang sa mag-asawa  at pagkakakilanlan ng suspek. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *