BUMAGSAK ang temperatura sa lungsod ng Baguio hanggang 9.4 °C nitong Linggo ng umaga, 31 Enero, ayon sa synoptic station ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), mas mababa sa 10 °C dakong 5:00 am.
Ayon sa Pagasa, naitala ang temperatura dakong 6:30 am, pinakamalamig sa kasalukuyang panahon ng amihan.
Katulad ito ng pinakamalamig na temperaturang naitala noong isang taon, at pinakamababa sa huling tatlong taon.
Ang malamig na klima ay dulot ng amihan o cool northeast monsoon season na umiiral mula Oktubre hanggang unang bahagi ng Marso.