Saturday , November 16 2024
gun dead

Laguna barangay chairman niratrat sa clearing operations

HINDI nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang kapitan ng barangay sa bayan ng Bay, sa lalawigan ng Laguna nang pagba­barilin ng apat na suspek na nakasakay sa dala­wang motorsiklo, nitong Linggo ng umaga, 31 Enero.

Sa ulat mula sa Bay police station, kinilala ang biktimang si Arnold Martinez, 54 anyos, kasalukuyang kapitan ng Barangay Tranca, sa naturang bayan.

Nabatid na ilang ulit binaril si Martinez ng mga armadong suspek na naka­sakay sa dalawang motor­siklo habang nasa tabing kalsada dakong 9:20 am.

Napag-alaman kina­launan, pinamumunuan ng biktima ang isang road clearing operation nang atakehin ng mga suspek.

Agad tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril habang dinala ang biktima sa paga­mutan ngunit idine­klarang dead on arrival, ayon kay P/SSgt. Reden Cad­sawan, imbestigador ng kaso.

Narekober ng puli­sya ang ilang basyo ng bala mula sa kalibre .45 at 9mm mga baril sa pinangyarihan ng insi­den­te.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *