CHALLENGING man at nakakapanibago ang naging lock-in taping ng cast ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, laking pasasalamat pa rin ni Barbie Forteza na naging maayos ito at natapos ng walang aberya.
Kuwento niya, inalagaan talaga sila nang husto ng management at aminado siyang mas napalapit ang loob niya sa co-stars niya dahil dito.
“Lahat kami nakauwi ng safe and healthy. And ang saya rin kasi kahit ang dami pang restrictions sa set, nagawa naman namin ng maayos. ‘Yung bonding nandoon pa rin naman kahit na socially distanced kami sa isa’t isa.
“Nakakapag-chikahan pa rin naman kahit paano. Masayang-masaya ‘yung experience kasi na-miss namin magkita-kita lahat kasi bago mag-pandemic halos araw-araw magkakasama kami. Ang daming chikahan.”
Dapat abangan ng viewers ang pagpapatuloy ng istorya ng kanilang mga karakter sa serye. Magiging mas kapana-panabik din ang mga eksena lalo na’t tumitindi ang love triangle nina Ginalyn (Barbie), Caitlyn (Kate Valdez), at Cocoy (Migo Adecer).
COOL JOE!
ni Joe Barrameda