Wednesday , December 25 2024

SWEAP kumalas sa COURAGE

PORMAL nang umalis ang Social Welfare Employees Association of the Philippines (SWEAP-NATIONAL) bilang kasapi ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE).

Ang aksiyon ng nasabing labor union ay kaugnay ng pagtatatak sa COURAGE na umano’y kabilang sa communist terrorist group (CTG) front organization.

Sa ilalim ng SWEAP-National Council Resolution No. 001 series of 2021 na inilabas ng SWEAP National, binanggit nito na 13 sa 17 council members/chapter presidents ay bomoto para tapusin ang relasyon, habang tatlo ang pabor na ituloy at isa ang abstain.

Tinukoy ni National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director-General Alex Paul Monteagudo sa Senate hearing kaugnay ng ‘red-tagging’ noong 3 Nobyem­bre 2020, na ang COURAGE kasama ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) at Alliance of Health Workers (AHW) ay front organizations ng CTG na lihim na nakapasok sa pamahalaan.

Sa nasabing pagdinig, nagpakita rin si Monteagudo ng video na napanood si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria “Joma” Sison na binanggit ang Bayan bilang pinakamalaking umbrella organization ng CPP-NPA-NDF.

Tinukoy ni Monte­agudo na ang COURAGE, ACT at AHW ay bahagi ng Bayan.

Ayon kay Monteagudo, binibigyan ng CTG ng espesyal na atensiyon ang infiltration at united-front building sa hangarin nitong mapa­talsik ang pamahalaan.

Para sa CPP-NPA-NDF, ang sektor ng pamahalaan ay mahala­gang bahagi ng pangkalahatang layunin ng CTG sapagkat tulad ng kabataan, ang pampublikong sektor ay malaking pinagkukuhaan ng mga bagong miyembro upang suportahan ang mga aktibidad ng united front.

Ibinahagi rin ni Monteagudo ang pahayag ni Sison sa 20th anniversary ng COURAGE, na sinabi nitong, “Mahalaga ang papel na ginagampanan at dapat gampanan ng kawani ng pamahalaan. Sila ang nag-uugnay sa mamamayan…upang tutulan ang mga patakaran ng opisyal at kilos ng gobyerno.”

Sa nasabing Senate hearing, iprinisinta ni Monteagudo ang ibinabando ng COURAGE na mayroon itong kabu­uang 200 unions, associations, and federations at regional formations na kasapi at mass base na halos 300,000 manggagawa mula sa national government agencies, local government units, state colleges and universities and government-owned and controlled corporations.

Sa kadahilanang ito, gayondin ang kahina-hinalang aktibidad ng COURAGE kaya nagde­sisyon ang SWEAP National na pagde­batehan at pagbotohan ang affiliation sa pamamagitan ng mga miyembro ng National Council (NC) matapos ang Fourth Quarter National Council meeting noong 16 Disyembre 2020.

Sa dalawang pahi­nang resolusyon, sinabi ng SWEAP National na ang pakikipag-ugnayan sa COURAGE ay naging kuwestiyonable sa nagdaang mga taon dahil sa koleksiyon ng mga bayad at paggamit nito sa mga aktibidad hanggang sa serbisyong naipagka­kaloob sa kanilang mga miyembro.

Inihayag ng SWEAP National sa resolusyon na ang mga isyu ay human­tong sa ‘clamor’ ng mga miyembro ng asosasyon kabilang ang mga miyembro ng National Council na umabot sa talakayan at pagtitimbang ng mga affiliation.

Isinagawa ang isang forum kasama ang COURAGE (SWEAP Kaalaman) noong 8 Enero 2021 at ang learning debate (special National Council meeting) nitong 24 Enero upang matiyak ang pantay, balance, at fact-based na desisyon.

Dahil dito, ang SWEAP bilang national employees’ association ng DSWD ay nararapat bawiin o pawalan ng bisa ang SWEAP National Council Resolution No. 00-007, series of 2000 at ihinto ang pagbibigay ng monthly dues sa COURAGE.

Ang resolution na nagtatanggal ng SWEAP National’s affiliation sa COURAGE ay nilagdaan ng National Council noong 21 Enero 2021.

Ang mga miyembro ng grupo ay kinabi­bilangan nina SWEAP National President/NCR Chapter Alan Balaba; SWEAP Chapter President Fo I Glynnis Casuga; SWEAP Chapter President FO II Dulceneah Lyra Dela Cruz; SWEAP Chapter President FO III Thea Maria Rica Del Rosario; SWEAP Chapter President FO IV-A Joseph Constantine Arceo; SWEAP Chapter President FO IV-B Josephine Macalagay; SWEAP Chapter President FO V Juvy Pasano; SWEAP Chapter President FO VI Clarence Darryl Alfuente; SWEAP Chapter President FO VII Brigieda Goron; SWEAP Chapter President FO VIII Federico Pagayanan; and SWEAP Chapter President FO IX Fe Dela Cruz.

Ang SWEAP National at lahat nitong chapters ay naging affiliated sa COURAGE mula 2000 sa pamama­gitan ng SWEAP National Council Resolution No. 00-007.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *