ALAM n’yo bang magsi-74 years old na si Mr. M (Johnny Manahan) sa February 11?
Pero parang walang balak tumigil sa pagtatrabaho ang napaka-prestihiyosong direktor at starbuilder na biglang nawalan ng trabaho sa TV dahil hindi na ini-renew ng producer n’yang si Albee Benitez ang kontrata ng Sunday Noontime Live sa TV5 dahil mababa naman daw ang rating ng show.
Katwiran naman ni Mr. M ay ang signal naman ng TV 5 ang mahina, pati na ang promo and publicity machine nito.
At napakagastos palang i-produce ng SNL. Siya mismo ang nagsabing P3-M per episode ang production budget ng show.
So, saan na magtatrabaho ngayon si Mr. M na ayaw nang bumalik sa ABS-CBN?
Parang ang makaka-afford lang sa undisclosed talent fee n’ya at disclosed production cost para sa isang musical-variety na gaya ng SNL ay ang GMA 7. Parang mismong ang TV5 ay hindi kaya ‘yon. Si Albee ang nagpasuweldo sa lahat ng involved sa SNL. Hindi ang TV5 ng bilyonaryong si Manny V. Pangilinan.
“My lips are sealed,” pahayag ni Mr. M kamakailan kung may offer na sa kanya ang GMA7. Selyado raw ang bibig n’ya sa ngayon.
Afford nga ba ng GMA 7 si Mr. M?
Ano sa palagay n’yo?
KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas