Friday , November 15 2024
YANIG ni Bong Ramos
YANIG ni Bong Ramos

Dapat nga bang maunang bakunahan si Pangulong Rodrigo Duterte?

IYAN ang mga tanungan ngayon ng mga mamamayan na para bang nakikipagpustahan kung sino ba ang dapat unang bakunahan.

Sa mga pahiwatig, mistulang wala pang kasiguraduhan ang bakunang ituturok laban sa CoVid-19 na maaaring ikahaba o dili kaya’y ikaigsi ng ating buhay.

Ang tanong na ito at hamon sa ating Pangulo na siya ang dapat maunang bakunahan ay nag-ugat kay Bise Presidente Leni Robredo kamakailan.

Ibinase umano ni Robredo ang hamong ito sa Pangulo dahil sa kasalukuyan niyang popularidad sa mga tao na sobrang umiidolo at humahanga sa kanya.

Kung sakali nga namang maunang bakunahan ang Pangulo, malaki nga naman ang posibilidad na mawala ang duda at pangamba ng taong bayan.

Dahil nauna ang Pangulo, walang ibang iisipin ang taong bayan kundi ligtas at walang magiging banta sa kanilang kalusugan at buhay ang mapipiling bakunang ituturok sa kanilang katawan.

Puwede rin lumabas na martir ang Pangulong Digong kung ano man ang kalalabasang resulta ng bakunang ituturok sa kanya, negatibo o positibo man ito ay sama-sama tayo together ‘ika nga.

Tama rin nga ang sawikaing “follow a good leader” at ang “teach by example” na dapat magpakita ng ehemplo ng isang magaling, matapang, may prinsipyo’t paninindigan kahit saan makarating.

Pero ano man ang sabihin natin, nasa ating Pangulo pa rin ang prerogative at desisyon niyang gagawin, maaaring siya ang mauna at puwede rin siya ang huli.

Maaari rin sorpresahin na lang niya tayo tulad ng ginawa ng kanyang mga escort na Presidential Security Group (PSG) na out of nowhere ay nakapagbakuna na pala nang wala siyang malay.

Wala raw tayong pakialam kung saan sila nagpa-bakuna, ano ang brand ng bakuna at kung saan bansa ito nagmula. Tanging mahalaga lang dito ay ang kaligtasan ng Pangulo, ‘di po ba?

 

PH CHOOSY PA YATA SA BRAND NG BAKUNA LABAN SA COVID-19

Bagama’t tayo ay nabibilang sa isang mahirap na bansa at itinuturing na isang third world country, tila choosy pa rin yata tayo sa kung anong brand ng bakuna ang ituturok sa atin.

Ganoon kadelikado ang mga Pinoy na bagama’t walang pera ay mapili kung anong bakuna ang angkop sa kanilang buhay at kalusugan.

Hanggang sa kasalukuyan ay nasa proseso at pinag-uusapan pa rin ng gobyerno kung anong brand ba talaga ang kanilang kukunin, Pfizer nga ba, ModeRNA, Sinovac etc. Kung ating iisipin ay parang may bahid ng politika itong isyung ito hinggil sa bansang may gawa nito.

Pati ang presyo ay pinag-uusapan pa rin sa Senado at kung saan kukunin ang pondo para rito. Napakakomplikado at maraming che-che buretse kung kaya’t naguguluhan ang ating mga kababayan.

Sa ganito nga namang sitwasyon, hindi rin masisisi ang taong bayan. Natural na sila rin ay magduda at magdalawang isip kung sila ay magpapabakuna o hindi.

Ayon sa datos na lumalabas, 25 porsiyento ng mga Pinoy ang desididong magpabakuna, 30 porsiyento ang may ayaw at hindi pa malaman ang desisyon ng nalalabing porsiyento.

Maaaring ipinapagpapasa-Diyos na lang ng iba ang kanilang buhay at kalusugan dahil hindi nga naman nila nasisiguro ang epekto ng mga bakunang ito, kung hahaba o iiksi ba ang buhay nila.

Come what may… let go, Let God na lang siguro ang pumapasok sa kanilang isipan at wala na rin ibang mahalaga kundi ang lagpasan ang pandemic na ito, may bakuna man o wala.

Harinawa’y patnubayan tayong lahat ng Poong Maykapal, may the good Lord bless and keep us all, Mabuhay tayong lahat!

YANIG
ni Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *