Sunday , November 17 2024

Baron, ‘di na maangas, tatay na kasi

NAGBAGO na raw ang pag-uugali ni Baron Geisler pero hindi ito dahil sa panggigimbal ng pandemya sa mundo kundi dahil sa isang development sa personal na buhay n’ya: ang pagiging isa na niyang ama.

Deklara ni Baron sa isang virtual press conference kamakailan, ”Nag-soften ‘yung character ko. Hindi na ako maangas.

“Siguro ‘yung angas na ‘yan, ilalabas ko ‘yan kapag kailangan ng pamilya.

“Ilalabas ko sa pagbanat ng buto at siyempre, dahil may anak at asawa na ako, ayoko na ng gulo.”

Nagpapakatotoo lang siguro siya sa pagsasalita ng ganoon. Ayaw n’yang sabihing ”never!” nang makikipagbangay ang 38 years na palang aktor.

Pasubali pa n’ya, ”As much as possible, kung may maghahamon sa akin diyan, eh, tatakbo na lang ako kasi ayaw natin ng kaaway, lahat kaibigan natin.”

Parang isa o pangalawang taon nang walang kinasasangkutang kaguluhan ang akto. Kasi naman, mag-iisang taon na ang anak niyang babae na si Tali.

Ito ang ibinahagi ng 38-year-old actor nang makausap siya ng entertainment press noong Biyernes ng hapon, January 15.

Pero ipino-point out din n’yang malaki ang kinalaman ng pananampalataya niya sa Panginoong Diyos sa nakagugulat na pagbabagong-buhay niya.

Ayon kay Baron, madalas ang pakikipag-usap niya sa Diyos sa pamamagitan ng taimtim na pagdarasal.

“I want to give this back to God. God is so good kahit ang dami kong mga pangako na napako.

“Pero I always pray kasi na kapag talagang wala na ako sa industriya, parang ang feeling ko wala nang kukuha sa akin, I always speak to God na parang, ‘Lord, please give me an opening. Please, just one call, I just need one call to start again.’

“And He hears my prayers. And kung may magsarado man na pintuan, magbubukas naman Siya ng ilan pang windows, opportunities.”

Nang tanungin tungkol sa kanyang mga realization sa panahon ng corona virus pandemic, sinabi ng aktor na natuto siyang maging disiplinado, compassionate, at ang pamilya ang naging priority niya.

“Family comes first, remove selfishness. I learned a lot about being compassionate towards other people, hindi lang ‘yung puro what’s in it for me and also to be of service to to many people.

“With God’s grace, I just obeyed and followed the rules, stayed home, and I just had that total surrender and obedience and it paid off.”

Pero itinuon n’ya uli ang usapan sa kanyang pamilya. Aniya pa, ”I learned that more than anything… material things, family is the most important thing in the world.”

At tapos ay itinuon niya uli sa Diyos ang usapan. ”Kapag nagdasal ka, bigla na lang the next day may dumarating. It’s the truth, eh, whenever I pray, a miracle will happen, na parang God provides or the universe provides.

“May nakain kami, may pambili ako ng gatas para kay Tali, may diaper.”

Tungkol naman sa Covid-19, pagbabalita n’ya, ”I’m safe, nagpapasalamat ako na hindi ako nagka-COVID.”

Naranasan kasi ni Baron na maging frontliner dahil tumulong siya sa pagpapakain sa mga residente ng mga barangay sa Cebu City na apektado ng pandemya.

Cebu-based na si Baron dahil naroroon ang kanyang asawa at anak.

Nagtayo rin si Baron ng apparel business sa Cebu at pumupunta na lamang siya sa Metro Manila kapag may mga TV guesting at pelikulang gagawin. Isa siya sa mga pinapirma ng kontrata ng Viva Artist Agency kamakailan.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *