Sunday , November 17 2024

ABS-CBN, makikipag-tie up sa Cignal (Shows ng Dos sa A2Z, hilahod?)

Pabalikin kaya ng ABS-  CBN sina Piolo  PascualMaja SalvadorCatriona Gray, at ang iba pang artistang identified sa Kapamilya Network na lumipat sa Sunday Noontime Live (SNL) sa TV5 na ang producer ay ang blocktimer na Brightlight Productions ng dating politician na si Albee Benitez?

Huling pag-ere na ng SNL ang ipinalabas noong Linggo at ni hindi nga bagong episode ‘yon kundi replay ng isang lumang episode. That means, ni hindi na nakapagpaalam ang mga host ng show sa followers nila.

Ayon sa report ni katotong Jojo Gabinete sa PEP entertainment website, ikinagulat ng mga host at staff ng SNL ang desisyon ng management .

Noong Sabado lang, January 16 sila sinabihan na January 17 na ang last episode nila. Noong January 16 lang din nagpadala ang Brightlight ng statement sa website na ‘yon at sa ilang pahayagan.

“Nagulat po ang lahat. Biglaan kasi. Kasado pa po ang rehearsals and schedules sa susunod na linggo at sa February,” sabi ng isang staff member ng show kay Jojo.

Bago lumabas ang statement ng Brightlight producer, may lumabas na ulat ng PEP Troika na umabot ba sa P500-M ang nagastos ni Benitez sa mga show n’ya sa TV5.

Ang isa pang show ng Brightlight na noong Linggo rin nag-last episode ay ang gag show na Sunday Kada. Sina Jayson Gainza, Ritz Azul, Joshua Colet, Sunshine Garcia, Wacky Kiray, Daniel Matsunaga, Maxine Medina, at Miles Ocampo ang mga pangunahin bituin ng show. Lahat sila ay identified din sa ABS-CBN.

May balita noon na lahat naman ng kinuha ng Brightlight para sa shows nito sa TV 5 ay non-exclusive ang contract. Sa Brightlight sila nakakontrata. Hindi sa network.

Kung mina-manage sila ng Star Magic ng ABS-CBN, ibig sabihin ay ‘di naman nila talaga iniwan ang Kapamilya Network at alam ng ABS-CBN na tumanggap sila ng show sa Brightlight na sa Kapatid Network ipalalabas.

Kung may kontrata pa sina Piolo at Maja sa Star Magic, pwede pa silang ibalik sa ASAP Ko To at ilagay sa iba pang shows ng Kapamilya Network.

Si Catriona ay sa Cornerstone nakakontrata. At alam n’yo bang ang line producer ng SNL ay ang Cornerstone? Posibleng alam ng Cornerstone na ititigil na ng Brighlight ang SNL pero hinintay nilang si Benitez ang mag-announce ng pamamaalam ng SNL. 

Sa ngayon, tahimik pa ang lahat tungkol sa ano na ang mangyayari kina Piolo, Maja, at Catriona.

May balitang magta-tie up ang Cignal at ang ABS-CBN para makapagpalabas ng shows sa TV5 ang Kapamilya Network. Ang Cignal ang content provider ng TV5, kaya sa kanila makikipag-tie up ang Kapamilya Network, at hindi directly sa TV5.

Ayon sa miyembro ng PEP Troika na si Jerry Olea”hilahod sa ratings at commercial load ang Kapamilya shows sa A2Z Channel 11.” Maaaring ‘yon ang dahilan kung bakit nakikipag-tie up ang ABS-CBN sa Cignal.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

 

 

About Danny Vibas

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *