Saturday , November 16 2024
shabu drug arrest

4 kelot, bebot timbog sa P.1-M shabu sa Caloocan at Vale

ARESTADO ang limang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang babae matapos makuhaan ng higit sa P.1 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na anti-drug operations ng pulisya sa mga lungsod ng Caloocan at Valen­zuela, kamakalawa ng gabi.

Dakong 9:50 pm nang respondehan ng mga tauhan ng Sub-Station 15 ang natanggap na text message mula sa isang concerned citizen tungkol sa nagaganap na shabu session sa Anonas St., Amparo Subdivision, Brgy. 179.

Agad ipinag-utos ni Caloocan City Police chief Col. Samuel Mina, Jr., sa kanyang mga tauhan na sina P/Cpl. Rodolfo Domingo II at Pat. Gellord Catapang  na tumungo sa nasabing lugar na naaktohan ang mga suspek na sina Jhon Lester Mayor, 19 anyos; at Raymond Debangco, 28 anyos, na sumisinghot ng shabu.

Agad nilang inaresto ang mga suspek na nakompiskahan ng tatlong medium plastic sachets na naglalaman ng 15.06 gramo ng hinihi­nalang shabu, tinatayang nasa P102,408 ang halaga at ilang drug paraphernalia.

Sa Valenzuela City, nadakma ng mga operatiba ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Robin Santos sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega sa buy bust operation sa Block 3, Compound 2, Sitio Kabatuhan, Brgy. Gen. T. Deleon sina  Wilfredo Paragas, Jr., alyas Nognog, 34 anyos; Cherry Deloria, 32 anyos; at Jaspher Reyes, 24 anyos, dakong  12:15 am.

Narekober sa kanila ang nasa P34,000 halaga ng hinihinalang shabu, P500 marked money, cellphone at P500 bills.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Gonzales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *