Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Las Piñas lumagda sa kasunduan para sa bakuna

PINIRMAHAN na kahapon ni Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar ang kasunduan sa pagitan ng British drug maker AstraZeneca para sa supply ng coronavirus 2019 (COVID-19) vaccines na naglalaan ng 300,000 doses bakuna para sa mga residente sa lungsod.

Ang national government ang nagpasya sa alokasyon na 300,000 doses na bakuna para sa Las Piñas City sa ilalim ng CoVid vaccination program ng pamahalaan.

Ayon sa alkalde, inaasahang darating sa lungsod ang bakuna ng AstraZeneca sa buwan ng Hulyo ngayong taon.

Binigyang-diin ni Mayor Aguilar na ipagkakaloob nang libre ang bakuna at prayoridad ng lokal na pamahalaan na unang mabakunahan ang frontliners kabilang ang medical at health care workers, mga tauhan ng Las Piñas City Police, senior citizens, ibang sector na may matinding pangangailangan nito, at mahihirap na residente sa lungsod.

Unang naglaan ang Las Piñas City Government ng P200 milyong pondo o augmentation funds sa national government para sa karagdagang pagbili ng  CoVid-19 vaccines upang mabigyan ng libreng bakuna ang Las Piñeros.

“Nakahanda ang ating lokal na pamahalaan na maglabas ng karagdagang pondo at tuloy-tuloy ang ating pakikipag-ugnayan sa local pharmaceutical company para masiguro na mabakunahan ang mga taga-Las Piñas,” pahayag ng alkalde ng Las Pinas.

Umaasa si Mayor Aguilar na madaragdagan pa ng national government ang alokasyon sa bakuna para sa mga residente ng Las Piñas.

Muling inihayag ng alkalde na prayoridad ng lokal na pamahalaan ang seguridad sa kalusugan, kaligtasan, at kapakanan ng mga residente partikular ngayong panahon ng pandemya kasabay ng kanyang panawagan sa mga Las Piñeros na patuloy na mag-ingat, maging disiplinado at patuloy na sumunod sa health and safety protocols upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa lungsod.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …