ISINUGOD sa ospital ang 25-anyos babae dahil sa pananakit ng lalamunan nang kumain ng “sashimi” o hilaw na isda.
Sa inilabas na pag-aaral ng the American Journal of Tropical Medicine and Hygiene, lumabas sa ekasiminasyon ng hindi pinangalanang babae, may gumagalaw na bulate sa kanyang kaliwang tonsil.
Naiulat na limang araw bago magtungo ng St. Luke’s International Hospital ay kumain ng “assorted sashimi” ang babae at biglang nakaramdam ng sore throat.
Napag-alaman na isang pseudoterranova azarasi o isang uri ng parasitic roundworm ang nakuha sa babae.
Isa itong uri ng parasite na nakapipinsala sa digesitive tract ng tao kabilang ang lalamunan na nakapagdudulot ng matinding pananakit at pag-ubo.
Maaari rin daw itong mapunta sa tiyan ng tao na madalas maghatid ng matinding pananakit.
Ayon sa report, ang nakuhang bulate ay may haba na 38 millimeters (1.5 pulgada).
Samantala, lumalabas sa pag-aaral ng Global Change Biology na ang mga “sushi parasites” ay madalas nakukuha sa mga hilaw na isda.