Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Glaiza at Rayver, itotodo ang acting sa Nagbabagang Luha

SA kauna-unahang pagkakataon ay magtatambal ang Kapuso stars na sina Glaiza De Castro at Rayver Cruz sa upcoming drama series na  Nagbabagang Luha sa GMA Network.

Ang serye ay adaptation ng classic ’80s movie na pinagbidahan nina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Alice Dixson, at Richard Gomez.

Kahit nasa Ireland pa ay pinaghahandaan na ni Glaiza ang serye na gagampanan niya ang role ni Lorna na si Maita.

“Siyempre nandoon ‘yung feeling na malaking responsibilidad kasi kahit  paano na-familiarize na kami roon sa pelikula at nakita namin ‘yung performances nina Ms. Lorna. So, parang kailangan talagang todohin,” kuwento ng aktres sa panayam ng 24 Oras.

Ayon naman kay Rayver, na gaganap sa dating role ni Gabby na si Alex, looking forward na siyang makatrabaho si Glaiza sa serye.

“Si Glaiza lagi ko ‘yan kasama sa ‘AOS’ (All-Out Sundays) pero iba kasi ngayon pa lang kami magwo-work sa isang show, so excited ako,” aniya.

Makakasama rin ng dalawa sa Nagbabagang Luha sina Claire Castro, Mike Tan, at Myrtle Sarrosa. 

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …