Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Garcia umakyat sa no. 2 ng lightweight rankings

IPINAKITA  ni Ryan Garcia ang pruweba bilang isa sa top lightweight  fighters sa ipinakitang impresibong performance  nang talunin ang The Ring’s No. 4 – rated contender na si Luke Campbell nitong 2 Enero.

Sumampa si Garcia, rated No. 5 sa lightweight ng The Ring, bagay na kinuwestiyon ng hardcore fans at media dahil sa ipinakitang kakulangan sa kanyang laban sa ring.  Ang punang iyon ay dahil naging sentro siya ng intriga sa social media at sa pagkakaroon ng ‘good looks.’

Sa nasabing bakbakan, ipinakita ng 22-anyos Californian ang kanyang kalidad.

Bumagsak man siya sa 2nd round ay tumayong may bagsik sa kamao at lalong naging agresibo sa laban para  kontrolin ang laban at patulugin sa 7th round si Campbell sa pama­magitan ng matin-ding body shot.

Si Campbell (20-4, 16 KOs) ay isang Olympic gold medalist at dalawang beses naging title challeng-er at hindi pa natatalo sa pamamagitan ng knock-out sa pro-boxing.

Bagama’t hindi naging perpekto ang unang world-class test ni Garcia (21-0, 18 KOs) ay markado pa rin ang kanyang naging per-formance.

Si Senior panelist Anson Wainwright ay ipinanukala na iaakyat si Garcia sa No. 3 at ibaba sa No. 6 si Campbell.

Pero tumutol ang iba pang miyembro ng Ratings Panel at Editorial Board na dapat iakyat sa No. 2 ang tinaguriang “King Ry.”

Senegundahan nina panelists Adam Abra-mowitz, Michael Montero, Tris Dixonm at Diego Morilla ang opinyon.

Sinabi ni panelist Martin Mulcahey:

”Ryan Garcia has converted me. I saw a speed merchant tested by a world class foe and (my doubts were) laid to rest on Saturday.

“He has the mentality of champ, and not only recovered but took the lead the next round after a hard knockdown.

“Yes, Garcia to No. 2 (with reservations since I rate Haney’s win over Juan Carlos Burgos).

“I would drop Campbell to No. 9, as we have seen him come up short (in title bouts) three times now.

“Also, I think people quickly forget how Haney is (coming off) one ordinary outing but he won every round against (Yuriorkis) Gamboa. If Garcia and Haney fight tomorrow,  I put my money on Haney.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …