Monday , December 23 2024
gun dead

Caretaker ng palaisdaan todas sa boga

PATAY ang caretaker ng isang palaisdaan nang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang salarin sa bayan ng Hagonoy, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 5 Enero.

Sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Hagonoy Municipal Police Station (MPS), kumakain ang biktimang si kinilalang si Alexander de Guia sa isang kubo kasama ang kina­kasama nang biglang dumating ang dalawang armadong lalaki na may takip na tela ang mga mukha.

Nabatid na lumabas ng kubo si De Guia upang kausapin ang dalawang lalaki nang bigla siyang pagbabarilin.

Nang matiyak na patay na ang biktima, nag­mamadaling nagsitakas ang mga suspek kasunod ang paghingi ng saklolo ng kinakasama ni De Guia.

Kasalukuyang inaalam ng pulisya ang motibo sa krimen gayondin ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *