DALAWA ang binawian ng buhay dahil sa CoVid-19 sa Malabon City nitong 5 Enero na sa kabuuan ay umakyat sa 233 ang COVID casualties ng siyudad.
Ayon sa City Health Department, ang mga namatay ay mula sa Barangay Longos at Potrero.
Samantala, 16 ang nadagdag na confirmed cases at 6,095 ang positive cases sa Malabon, 41 dito ang active cases.
Ang mga bagong tinamaan ng CoVid-19 ay mula sa Barangay Concepcion (1), Hulong Duhat (1), Potrero (12), Tinajeros (1), at Tonsuya (1).
Dalawa ang gumaling mula sa Barangay Hulong Duhat (1) at Potrero (1).
Sa kabuuan ay 5,821 ang recovered patients ng lungsod. (ROMMEL SALES)