Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Russu nag-sorry kay kuya sa #yestoabscbnshutdown

‘#YestoABSCBNShutdown,’ ito ang nakalkal na post sa Twitter ni Russu Laurente, ang Bunsong Boksingero ng General Santos City, ang ikalawang housemate na pinalabas sa Bahay ni Kuya nitong Linggo, Enero 3.

Ina­min ni Russu kay Kuya na sinuportahan niya ang pagpapasara ng ABS-CBN noong 2020 na hindi ito nabigyan ng bagong prangkisa ng Kongreso.

“Marami pong nagsasabi sa akin, ‘Di ba noong panahon is halos sumang-ayon ka o sumama ka sa mga nagpapasara? Bakit ngayon nag-audition ka sa Big Brother?’

“Sinabi ko po talaga nang harap-harapan sa kanila na ‘yung mga panahon na iyon ay hindi ko pa nari-realize or nalaman ‘yung totoong sitwasyon. Kumbaga hindi ko pa nalagay ‘yung sarili ko sa sitwasyon ng mga taong iyon,” pag-amin ni Russu.

“Nakakabitaw tayo ng salita, nanghuhusga tayo base sa mga hindi kompletong impormasyon. Madali tayong maimpluwensiyahan o madala sa opinyon ng iba kaya naman hindi naging tama ito. Alam ko na iba’t ibang tao may kanya-kanya at may iba’t ibang opinyon pero ang magnais ng kapahamakan sa iba, ito ay hindi katanggap-tanggap,” pahayag ni Kuya.

Sagot ng binatilyo, ”Alam ko po kuya na nasaktan po kayo na minsan po isa rin ako sa mga sumang-ayon sa pagpapasara ng iyong tahanan noong mga panahong hindi ko pa alam ‘yung mga nangyayari, ‘yung mga totoong nangyayari po sa mga nakikita ko po kuya. I’m sorry po kuya kung nasaktan ko po kayo at ‘yung pamilya po ng ABS-CBN.’’

Dag­dag paliwa­nag pa ni Ku­ya, ”Tulad nga ng sinabi ko Russu at palagi kong sinasabi, hindi dapat nagiging basehan ang ating naka­raan para mang­hus­ga ng pag­katao at sa pag-ako ng pagkakamali natin, iwan na natin ang mga pagkakamaling ito.

“Nawa’y lahat tayo’y may matingnan na bagong kinabukasan sa bagong tao na ito. At Russu sa pagbatikos mo, sa pagsuporta sa pag-shutdown ng tahanang ito, tinatanggap ko ang pagpapakumbaba mo. Kahit ganoon ‘yung nangyari, naging bahagi ka na rin ng pamilyang ito. Samantala, nag-post naman si Robi Domingo, isa sa host ng Pinoy Big Brother Connect ng, ”I just want to give my utmost respect to Russu’s family, most especially his kuya, whom I got to talk to. We have to admit that something is wrong with the system but it also gives us that opportunity to learn from each other and grow.

“Remember, there is always hope in humanity.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …