Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pondo para sa bakuna kontra CoVid-19, nakahanda na — Mayor Oca Malapitan

TINIYAK ni Mayor Oca Malapitan na makata­tanggap ng libreng CoVid-19 vaccine nga­yong taon ang mga mamamayan ng Caloocan matapos maglaan ang pamaha­laang lungsod ng inisyal na P125-milyong pondo para sa bakuna.

“This is to augment… ang bakunang ilalaan sa ating lungsod ng pamaha­laang nasyonal. Ito ay upang matiyak natin na kung kulangin ang ilalaan ng national government ay may nakahanda tayong pam­bili, upang matiyak na bawat mamamayan ng Caloocan ay mababa­kuna­han nang sa gayon ay matiyak ang kaligtasan ng lahat,” pahayag ni Mayor Oca.

Ayon kay Malapitan, bagamat ang P125-milyong pondo ay naka­handa na, maglalaan pa rin ang pamahalaang lungsod ng P1-bilyon additional fund para sa bakuna, na kukunin sa pamamagitan ng loan.

“Matagal na tayong nakipag-ugnayan sa pamamagitan ng pag­sulat sa pharmaceutical companies para masi­guro na makakukuha tayo ng bakuna tulad ng Pfizer at Astrazenica, ngunit hihintayin pa rin natin kung anoman ang aprobadong bakuna mula sa Food and Drug Administration (FDA) at ng national government,” paliwanag ng punong lungsod.

Binigyan-diin din ni Mayor Oca na ang pama­halaang lungsod ng Caloocan ay hindi bibili ng hindi aprobadong bakuna ng FDA at hinihintay nito ang guidelines mula sa national government.

Matatandaan, Oktu­bre ng taong 2020, tiniyak ni Mayor Oca sa mga mamamayan ng Caloocan na naghahanda ang pamahalaang lung­sod para masigurong makakukuha ng bakuna kontra CoVid-19.

“Hindi ako mangi­ngiming ipambili ng CoVid-19 vaccine ang lahat ng pondo ng Caloocan basta maibigay lamang ito nang libre sa ating mga mamama­yan,” ayon kay Mayor Oca.

(JUN DAVID)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun David

Check Also

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

SM Foundation medical mission Olongapo

Social good partners, SM Foundation mount medical mission in Olongapo

Volunteers man the SM Foundation’s Mobile Clinic, providing assistance to patients undergoing electrocardiograms (ECGs) and …