Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
chess

Garcia bida sa Balinas-Pichay online chess

NAGKAMPEON  si International Master Jan Emmanuel Garcia ng Manila sa katatapos na Grandmaster (GM) and Attorney (Atty) Rosendo Carreon Balinas Jr. and Mayor Maria Carla Lopez Pichay online chess  tournament nung Linggo, December 27, 2020.

Si Garcia na taglay ang  lichess handle na IM Nyxnyxnyxnyxnyx ay nakakolekta ng 101 points sa 41 games para sa win rate  68 percent at performance rating  2679 para maghari sa event na sinaluhan  ng 725 players worldwide.

Ang P75,000 total prize fund event ay presented ng Lichess Battle Arena,  hosted nina US based frontliner Dr. Joe Balinas at Engr. Antonio “Uncle Paps” Balinas, parehong founding Honorary Chairman ng organizing Bayanihan Chess Club na suportado ng GM Rosendo Balinas and family sa pakikipagtulungan nina NCFP Chairman/President Deputy Speaker Prospero “Butch” Arreza Pichay Jr. at Mr. Fernan Donguines ng Hybreed Apparel Collections.

Ang online tournament ay may time control two minutes at parahimahan ng panalo ang mga kalahok na may two hours of play.

Nakuha  naman ni Non-Master Ellan Asuela ng Bacolod City ang second place  na may 94 points sa 39 games na may win rate  69 percent sa 26 wins na may performance rating 2773. Nasa third place si International Master Daniel Quizon ng  Dasmarinas City na may 87 points.

Minalas  naman sa nasabing torneyo ang mga bating na sina  GM Rogelio “Joey” Antonio Jr. ng Quezon City na nasa  19th place, si GM Darwin Laylo ng Dasmarinas City na nasa 62nd place at ang  defending champion na si GM Mark Paragua ay nasa 183th place.

Nung  Sabado, December 26, 2020 ay nagbida si Gio Ventura na grade 8 pupil ng Dasma­riñas Integrated High School sa kiddies category 13 under na may 81 points.

(M. BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …