Saturday , November 16 2024

Bolo at samurai iwinagayway sa simbahan (Kelot timbog sa Nueva Ecija)

ARESTADO ang isang lalaking armado ng bolo at samurai nang magresponde ang mga awtoridad makaraang ireport sa kanila nitong Biyernes, 1 Enero, sa bayan ng Zaragoza, lalawigan ng Nueva Ecija.

Ayon kay P/Col. Marvin Joe Saro, agad nilang dinakip ang suspek na kinilalang si Joshua Ed De Guzman, 24 anyos, residente sa San Isidro, ng nabanggit na bayan.

Nagdulot umano ng pangamba sa mga nagsisimba ang kahinahinalang presensiya ng suspek na armado ng bolo at samurai at umaaligid sa bisinidad ng San Vicente Parish Church bandang hapon noong unang araw ng bagong taon na agad itinawag sa presinto ng pulisya.

Nakuha ng mga awtoridad mula sa suspek ang tatlong pirasong plastic sachet ng hinihinalang shabu, dalawang pirasong  kalibre .38 pistola, isang samurai, dalawang bolo, apat na bala ng kalibre .45 baril, mga basyo, at mga cellphone.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Zaragoza PNP ang suspek na nakatakdang iharap sa piskalya sa ihahaing asunto dahil sa paglabag sa Section 11 ng RA 9165, at RA 10591 (Illegal Possession of Firearms, Ammunition & Deadly Weapons).

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *