Sunday , November 17 2024

Angel Locsin, Woman of the Year sa 2020 Pinoy Showbiz (Part 2 Year Ender)

ITO ang pangalawang bahagi ng aming year-ender para sa 2020 Pinoy Showbiz. Sa unang bahagi ay inilahad namin na ang  pinakamatinding development sa pagtatapos ng taon, ang pangingibabaw ng ABS-CBN sa ‘di pagri-renew ng Kongreso ng prangkisa nito.

Sa halip na maparalisa ang Kapamilya Network, nananatili itong masigla sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng mga pagtatanghal nila sa mga digital platform na ‘di kailangan ng prangkisa.

Patuloy na pinamumunuan ni Carlo Lopez Katigbak nang mahinahon  ang network–gaya rin ng kagila-gilalas na hinahon na  hinarap n’ya ang mga walang-pakundangang mambabatas noong franchise renewal hearing. Dahil sa hinahon at tatag n’ya maging sa panahon ng Covid 19, binansagan namin siyang “Man of the Year” ng Pinoy Showbiz 2020.

Samantala, ang pagsigla ng entertainment programming naman ng TV5 sa pamamagitan ng blocktimer na Brightlight Productions ang hinusgahan naming pangalawang pinakamatinding development sa Pinoy Showbiz 2020.

Nanindigan at nagmalasakit ang Pinoy Showbiz idols sa mga pinaghihikahos dulot ng pandemya, nasalanta ng mga kalamidad, at naaabuso ng lipunan at politika sa bansa.

Naging militante ang dating walang-kibong showbiz idols sa pagpapahayag ng opinyon at paninindigan nila tungkol sa mga isyu sa politika at lipunan. Sumasalungat sila sa mga desisyon at aksiyon ng political leaders na sa pagkukuro nila ay ‘di naman tumutugon sa mga pangangailangan ng sambayanan. Maraming artista at mang-aawit ang sumali sa mga ganap na tumututol sa pagpapasa ng bagong “Terror Bill” (bagama’t tuluyan din itong naging batas).

‘Di nila ininda ang panlalait ng mga troll at netizen na ‘di matanggap ang militantismo ng mga artista, singer, direktor, at iba pang showbiz personalities.

Ang showbiz idols ang pangunahing fundraisers para sa mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa economic slowdown na dikta ng pandemya, para sa mga Frontliner, para sa mga nasalanta ng mga bagyo at pagputok ng Taal Volcano.

Maging ang mga singer ay nagdaos ng virtual concerts para makalikom ng pondo para sa relief operations.

Malamang na ang naging modelo ng showbiz idols sa pagpa-fundraising at sa pagre-relief operations ay si Angel Locsin na ilang taon na ring nagsasagawa ng mga ganoong aktibidades.

Pinagbintangan siyang may lihim na hangaring pasukin ang politika at nitong huli ay pinagbintangan ding may koneksiyon sa mga disidente. (Ang young star na si Liza Soberano ay na-“red-tag” din.)

Dahil sa mga oras, salapi, at lakas na ginugugol n’ya sa mga boluntaryong pagtulong, parang nawalan na siya ng konsentrasyon sa itsura n’ya at nilait siya ng mga walang-mapaglibangan na may say dahil sa pagtaas ng kanyang timbang. Nabimbin din ang plano nilang pagpapakasal ni Neil Arce sa taong ito.

Itinuturing namin na “Woman of the Year” ng 2020 Pinoy Showbiz si Angel na ‘di inalintana ang lahat ng pagbibintang at panlalait sa kanya sa gitna ng mga pagkakawanggawa para sa mga kapwa n’ya Pinoy, pagkakawanggawa na nagsilbing inspirasyon sa kapwa showbiz idols n’ya.

Nagsimulang pagsikat ng mga kuwentong BL sa digital platforms na yumabong nang husto sa kamalayan ng madla dahil sa pandemya na ang isang resulta ay ang pagsasara ng mga sinehan. Kung hindi nagkapandemya na nagbunsod ng social distancing, hindi biglang makakasanayan ng madla ang manood ng mga pagtatanghal sa digital platform.

Ang BL at mga kuwento tungkol sa mga kabataang lalaki na lihim na nag-iibigan sa isa’t isa. Ang mas madalas na kuwento ay hindi kilos binabae ang mga kabataang lalaki. Kailangang ilihim nila ang pagkakamabutihan nila dahil hindi ito pangkaraniwang relasyon kahit na parang marami-rami na rin ang mga kabataang nabubuhay sa ganoong kalagayan.

Parang nakakadudang yayabong din ang mga kuwentong BL sa mga sinehan sa sandaling kontrolado na ang Covid. Kaya lang maraming naipalabas na BL sa digital platforms ay dahil hindi ‘yon dumadaan sa censorship ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Maging ang mga entry sa kasalukuyang Metro Manila Film Festival (MMFF) ay ‘di kinailangang dumaan sa MTRCB dahil sa digital platform naman itinanghal kaya’t nakasali ang pelikulang BL na The Boy Foretold by the Stars.

Sa ngayon ay may mga ipinalalabas na BL series na gawa sa mga probinsiya, na ang mga gumaganap ay mga taga-lalawigan din na ‘di kilala sa Metro Manila. At kahit naman sa mga BL na likha sa Metro Manila ay mga baguhan ang nagsisiganap.

Pinasikat ng kuwentong BL na Gameboys sina Elijah Canlas at Kokoy de Santos bagama’t posibleng magningning din sila bilang mahuhusay na mga batang aktor sa mga pelikulang walang kinalaman sa mga kabataang lalaki na nag-iibigan.

Bago pa gumanap si Elijah sa Gameboys ay premyadong aktor na siya sa mga seryosong indie films.

Naging “new normal” na ang lock-in shooting ng pelikula at taping ng mga serye. “New normal” na rin ang pagpapa-swab araw-araw sa lock-in venue at pagkakwarantina ng mga artista at production staff ng 14 na araw pagkagaling sa lock-in set. Sakripisyo ito para sa mga may pamilya, may-asawa o ka-live-in.

Limitado hanggang sa 50 tao lang ang pwedeng masangkot sa syuting o taping.

Hamon sa mga produksiyon ang makapag-isip ng mga kapana-panabik na kuwento na ‘di lumalabag sa social distancing ang mga tauhan.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *