PARANG inaalat ngayon si Quezon City 5th District Congressman Alfred Vargas dahil hindi na nga siya nominado bilang Best Actor sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2020 sa pelikula niyang Tagpuan, may mga nagpapa-boykot pa sa pelikula at heto sinasabing sangkot siya sa korupsiyon.
Nitong Lunes ng gabi ay kasama ang pangalan ni Cong. Alfred sa pinangalanan ni President Rodrigo Duterte na nasa listahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na sangkot sa korupsiyon sa infrastructure. Bagama’t nabanggit naman ni Presidente Duterte na walang sapat na ebidensiya para mapagtibay ito.
Ang saya-saya pa naman ni Alfred noong Gabi ng Parangal ng MMFF 2020 dahil nanalo ang isa sa leading lady niyang si Shaina Magdayao bilang Best Supporting Actress at nakamit ng Tagpuan ang 3rd Best Picture.
Isa kami sa nagulat sa sinabi ni Presidente Duterte dahil wala pa kaming nabasang reklamo sa kanya at kung kailan naman matatapos na ang termino niya ay at saka siya nasabihang isa sa opisyal ng gobyerno na kurakot.
Nakilala naming mabait na tao at gentleman si Cong. Alfred pero nawala ang paghanga namin sa kanya noong nag-inhibit siya sa pagboto para sa bagong prangkisa ng ABS-CBN. Hindi kasi namin inakala na ang TV network na unang nagbigay sa kanya ng break sa showbiz ay iniwan niya sa ere.
Anyway, sa Take it Per Minute nina Manay Lolit Solis, Mr. Fu, at Nanay Cristy Fermin sa kanilang FB Live nitong tanghali ng Martes ay inamin ng una na sobrang upset ngayon ang aktor/politiko.
“Naalala ko pa naman si Alfred na medyo madaling maapektuhan ‘yun kasi noong ABS-CBN na nag-inhibit siya ang dami n’yang bashing na natanggap talagang pinatay niya ‘yung phone niya lahat. Upset na upset siya,” say ni Manay Lolit.
May statement din si Cong Alfred tungkol sa kinasangkutan niyang isyu.
“The President himself stated ‘there is no solid evidence’ and ‘mentioning of names is not an indictment’. I am certain that I will be cleared.
“I am ready to submit myself to an investigation by the proper authority. Mere allegation is not proof.
“I have been a public servant for the last 12 years. My record is unblemished; my conscience is clear. I will not allow my political detractors who misinformed PACC to tarnish my name and reputation with wild accusation bereft of the truth.
“Mukha pong napadalhan ang PACC ng maling impormasyon ng mga nakalaban natin sa politika,” pahayag ng kongresista.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan