Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

Tatay kalaboso sa pagkamatay ng misis, 2 anak

NAHAHARAP sa tatlong kasong parricide ang 29-anyos ama matapos lumabas sa masusing imbestigasyon ng mga operatiba ng Taguig City Police na hindi suicide ang ikinamatay ng misis kundi pinatay.

Lumitaw sa resulta ng awtopsiya sa bangkay ng biktimang si Karina Siacunco, residente sa 20 Kamias St., Barangay North Signal, Taguig City, na sinakal muna ang biktima bago ibinigti para palabasin na nagpatiwakal.

Ayon kay Taguig City Police chief, P/Col. Celso Rodriguez , si Aiko Siancunco, dating call center agent, mister ni Karina, ang pangunahing suspek sa pagpaslang sa kanyang misis.

Ayon sa hepe ng Taguig Police, isasailalim ngayong araw sa inquest proceedings ang suspek na nakapiit na dahil sa pag-amin na siya ang pumatay sa mga anak na sina Kion, 1-taon gulang, at Akira, 3-anyos. noong mismong araw ng Pasko sa loob ng kanilang bahay.

Base sa rekord ng pulisya, si Karina ay nagbigti sa loob ng kanilang bahay dakong 3:00 pm nitong 24 Disyembre 2020.

Sa pahayag ni Alfredo Siacunco, biyenan ni Karina,  nakita niya na nakabitin ang manugang sa loob ng silid ng mag-asawa gamit ang lubid ng baby carrier na isinabit sa metal grills.

Agad niyang tinawag ang anak, na noon ay nasa banyo at nagpapaligo umano ng mga anak.

Agad umano nilang tinanggal ang pag­ka­kabigti at isinailalim pa umano sa first aid pero dahil umano sa pagpa-panic, natagal silang naupo dahil hindi malaman ang gagawin.

Tumagal pa ng ilang oras bago dinala sa Recuenco General Hospital si Karina na idineklarang dead on arrival dakong 6:11 pm.

Kinabukasan, kusang sumuko ang suspek sa Sub- Station 6 at inamin na pinatay niya ang dala­wang anak sa pamama­gitan ng pagbibigti.

Ikinuwento ng suspek na nagawa niya rin magbigti ngunit napigtas ang lubid kaya uminom na lang ng Zonrox bleach ngunit ‘di naman tinablan ng lason.

Ipinaskil ng kapatid ni Karina sa Facebook na hindi sila naniniwalang nagpakamatay ang bik­tima at ang suicide note na nakita sa bahay nito ay hindi umano nito sulat kamay. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …