TUMUKOD ang huling remate ng San-En NeoPhoenix para makuha ng Akita Northern Happinets ang panalo 89-79 nitong Biyernes, Araw ng Pasko sa Filipinas, sa pagpapatuloy ng 2020-21 B. League sa CAN Akita Arena.
Sa huling quarter ng laban, lamang ng 14 puntos ang Akita. Bumaba iyon sa anim na puntos pero nagsilbing bombero si Alex Davis na agad pinatay ang sunog at sinarhan ang pangungulit ng San-En 78-72 na may nalalabing 3:39.
Umiskor si Davis ng lima sa kanyang 11 puntos para sa Akita, kasama roon ang makapatay-sunog na tres sa nalalabing 1:56 sa iskor na 86-74.
Kumamada si Thirdy Ravena ng 9 puntos , sumungkit ng dalawang rebounds at isang assists para madesmaya sa pagkatalo ng San-En sa mahalagang Araw ng Pasko na ipinagdiriwang ng halos lahat ng Filipino.
Pinangunahan ni Stevan Jelovac ang San-En na may 16 puntos, 4 rebounds at 2 assists, samantala si Kyle Hunt at Hayato Kawashima ay parehong may 15 puntos.
Si Davis ang naging tagapaligtas ng Northern Happinets na nagtala ng 17 puntos, 5 rebounds, 3 blocks, 2 assists at two steals. Nag-imprub ang win-lose card nila sa 15-9.