Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ronda Rousey may ‘bf’ na

MASAYA sina Ronda Rousey at Dana White nang tanungin sa UFC  press conference kung nanana­tiling ‘single’ ang MMA legend.

Sa nasabing presscon ay nagdesisyon ang isang sports columnist  na tanungin ang 33-year old former MMA superstar tungkol sa kanyang personal na buhay at ibig nitong malaman kung ano na nga ba ang status niya pagkatapos ng makulay na career.

“Ronda, Ronda, Ronda. Alright, so there’s a collection of guys back there, we’re all wanting to know what’s your update on this history… are you dating? Are you still available?”  tanong ng sports columnist.

Sagot ng UFC Hall of Famer, hindi niya nais na pumasok sa buhay niya ang ibang tao at isipin nitong ang kanyang ‘business’ ay business rin niya.

Si Rousey ay nagretiro sa MMA pagkaraan ng back-to-back na pagkatalo, at nakita niya ang naka­tutuwang bahagi ng katanungan at sinabi niyang hindi siya:  “surfing Tinder if you know what I mean.”

Inulit ng Baddest Woman on the Planet ang una niyang sinabi:  “I don’t want people to get into the habit of thinking my business is their business.

“But yeah, I’m not on Tinder right now [laughs]. I’m not surfing Tinder if you know what I mean,”   sagot niya na pigil ang pagtawa.

Matatandaan na noong kasikatan ni Rousey ay sabay silang sumalang ni Conor McGregor sa  presscon at dito ay naging mainit ang tanungan na ikinapikon ng dating MMA superstar nang  paratangan siyang hindi niya kayang makipag-compete sa isang lalaki.  Agad na nag-react si Ronda at sinugod niya ang lalaking nagtanong at ibinato niya ito na nagresulta ng pagkabali ng “ribs.”

Ngayon ay ibang Rousey ang kaharap ng sports media at sinimulan niyang may ngiti ang kasagutan.    Maagap si UFC president White na sinalo ang susunod sanang kasagutan ng dating superstar at natatawa nitong sinabing: ”She has a boyfriend, next question.”

Nagustuhan ng fans ang masayang reaction nina Rousey at White sa presscon at naging viral agad ang kanilang pananaw sa nasabing batuhan ng katanungan.

Isang ‘commenter sa One YouTube ang nagsulat: “Everyone hates Ronda but at least she has a sense of humor. Every press conference she’s in she’s the only one who laughs as much as the fans do. But haters gonna hate.”

Dagdag na komento ng isa pang user: “Watching this video is so crazy. It’s only been 5 years and everything has changed. Just goes to show how 5 years truly is a lifetime in this sport.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …