Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lemonon, pinuri ang magagandang katangian ni Rabiya

PANAHON ng pagpapaluwag ng dibdib, pagtatapat, pag-amin sa katotohanan ang Kapaskuhan para maging makabuluhan.

Ito ang mga pagtatapat ng Miss Universe Philippines contestant na si Sandra Lemonon at ang batang aktor na si Keann Johnson, isa sa pangunahing bituin ng The Boy Foretold by the Stars na isa sa 10 entries sa paparating na 2020 Metro Manila Film Festival.

Tinanong si Sandra ng isang netizen: “Do you love Rabiya [Mateo, ang 2020 Miss Universe Philippines]?” 

Sagot n’ya: “I cannot love someone who I barely know, or witnessed their heart first hand.

“I have no malicious thoughts about her, as we didn’t have the opportunity to forge a relationship.

Gayunman, tinukoy niya ang magagandang katangiang nakita niya kay Rabiya kahit hindi sila close.

Ani Sandra (published as is): “But from the little I know of her, what I can say is from the first time I saw her I loved natural features & thought she was extremely gorgeous, i’ve witnessed how determine she is & I believe with the Right people who have her Best intentions at heart, she will be able to grow into the woman who can help others who have been in her shoes.”

Pawang kabutihan naman ang hangad n’ya sa Ilonga na lumaking pobre at walang nag-arugang ama.

Pahayag n’ya: “I wish her nothing but success in her journey in discovering herself & being the first ever MUPH  in a pandemic, as I know how difficult her new life must be & I hope she always remembers that she doesn’t need to fit into the mold that society expects her to but instead create her own [face with waving hands emoji].”

Habang isinusulat namin ito, wala pang reaksiyon si Rabiya. Gayunman, tiyak nagagalak siya sa pagtatapat ni Sandra ng mabuting hangarin nito para sa kanya.

Pumasok naman si Sandra sa Top 16 pero hindi sa Top 5 ng MUP.

Hanggang ngayon ay sinasabi pa rin n’yang may ibubunyag siyang mga anomalya sa tamang panahon tungkol sa kauna-unahang pageant ng MUP.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …