Thursday , December 19 2024

Elijah Canlas, inisnab ng PPP4 (Special Jury Award, pampalubag-loob?)

SPECIAL Jury award for Performance in a Lead Role ang iginawad kay Elijah Canlas sa pagtatapos ng Pista ng Pelikulang Pilipino 4 pero ang entry n’yang He Who is Without Sin ang kumita nang pinakamalaki kaya nagwagi rin ito ng Audience Choice Award.

Noong Sabado ng gabi, Oktubre 12, ipinalabas sa Facebook page at You Tube channel ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang awards ceremonies ng PPP4 na pre-taped na sa FDCP Cinematheque sa Kalaw St., Manila.

Virtual lang ang pagtanggap ng award at hindi available si Elijah noong taping ng award ceremonies kaya ang bale tumanggap ng award n’ya at nagpasalamat on his behalf ay ang direktor n’ya sa He Who is Without Sin na si John Paul Laxamana. 

Sa harap ng kamera ay pinasalamatan ni Direk Jason Paul si Elijah dahil alam ni Direk na kaya nanguna sa kita ang pelikula nila ay dahil sa presence ng batang actor na siyang lead actor ng pelikula.

Si Gold Aceron ang nagwaging Best Actor para sa pagganap bilang isang tao na may dalawang sex organs sa pelikulang Metamorphosis. Si J. E. Tiglao (lalaki) ang direktor ng Metamorphosis. Nominado rin siya bilang Best Director.

Pinagkalooban din ang Metamorphosis ng Special Jury Prize for Film.

Metamorphosis talks about the periodic development of an “intersex” character (a person with both male and female sex organs). Last year in Cinema One Originals 2019, Tiglao won best director and Azeron won best actor as well.

Samantala si Laxamana ay nagwagi para sa He Who Is Without Sin for best screenplay. Ang pelikuka ay nagtamo rin ng Best Cinematography (for Emmanuel Liwanag), at audience choice award nga.

Pahayag ni Laxamana noong magwagi siya ng Best Screenplay: “Matagal na sa akin ang script na ito. This is one of my most personal projects, at ang dami na nitong pinagdaanan. Ito ang isang script na hindi ko iniisip ang box office, kundi tutok ka lang sa isang bagay na gusto mong ikuwento…

“Salamat sa Solar Films at kay Direk Brillante Mendoza for their trust in this film.”

Ang pinakamaraming napanalunan ay ang Cleaners bilang Best Picture at Best Director para Kay Glenn Barit na ang nasabing obra ay kauna-unahan n’yang full-length feature film. May ilan na siyang nagawang short films na naipalabas sa ilang festivals.

Nagwagi rin ang Cleaners para sa Best Supporting  Actress (Gianne Rivera), Best Musical Score (Glenn Barit), Best Production Design (Alvin Francisco).

Cleaners is a coming-of-age nostalgic trip to simpler days of self-discovery and social awakening. Ang time setting ng pelikula at 2007-2008 at ang Tuguegarao ang lunan nito.

Lahad ni Barit pagkapanalo n’ya: “Sa mga kabataan, huwag kayong matakot lumaban sa mga diktador sa anumang paraan….

“Happy naman po ako, especially dahil nanalo rin ang actors namin from Tuguegarao.”

Ang Tuguegarao ay ang capital ng probinsiyang Cagayan sa Norte, na roon nagmula ang lahat ng gumanap sa pelikula. Lahat sila ay ‘di professional actors na first time pa lang gumanap sa pelikula.

Ang nagwaging Best Actress ay si Hana Kino ng ang entry na Come On, Irene, isang pelikulang may kasamang Japanese ang dialog dahil gawa ito ng isang Japanese director pero halos ang kabuuan ay sa Pilipinas kinunan. Ilan sa pangunahing nagsiganap ay Pinoy.

Ang The Highest Peak, sa direksiyon ni Arbi Barbarona, ay nakamit ang Best Supporting Actor trophy para kay Henyo Ehem, isang actor mula sa Mindanao, pati na ang Best Sound Design na si Barbarona rin ang may likha.

Samantala, si Lawrence Fajardo ay nagwagi para sa Best Editing ng  Kintsugi na siya rin ang nagdirehe.

Ang jury ng PPP4 Awards ay binubuo nina scriptwriter-actress Racquel Villavicencio, Lee Briones (award-winning cinematographer, director, producer), at Angeli Bayani (award-winning actress).

Samantala, may mga nakapuna na pati pala sa He Who is Without Sin ay homosexual din ang papel ni Elijah, pati na sina Enzo Pineda at stage actor Gio Gahol.

May mga opinion na halos mailinya na pala si Elijah sa gay roles, dahil ang pinakasikat n’yang project ay ang BL na Gameboys. Sa Kalel, 15, na nagwagi siyang Best Actor sa nakaraang Gawad Urian, biktima naman siya ng isang bading na nagdulot ng HIV infection sa kanya.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Piolo Pascual TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de leon

TVJ handang makipag-collab kay Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IBA talaga si papa Piolo Pascual dahil noong nakaraang Friday the 13th, sinolo …

Claudine Barretto Alfy Yan Rico Yan

Alfy kamunghang-kamukha ni Rico, papasukin din ang showbiz

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PERSONAL na sinamahan ni Claudine Barretto si Alfy Yan, pamangkin ni Rico Yan sa Viva Entertainment office last week. …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Boss Toyo hindi natanggihan si Bong Revilla 

I-FLEXni Jun Nardo BAGONG-DAGDAG sa cast ng third season ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik …

Atom panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine at Jeffrey

HATAWANni Ed de Leon LUMABAS na ang hatol ng Quezon City RTC  Branch 306 kina dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *