Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda

Kinainisang ugali ng staff kay Vice, susi ng kanilang tagumpay

MABILIS magalit at maiksi ang pasensiya.

Ganyan daw si Vice Ganda, ayon mismo sa tatlong staff members niya na itinuturing ding mga kaibigan ng comedian-TV host.

Ang tatlong ‘yon ay ang hairstylist na si Buern Rodriguez, ang make-up artist/road manager na si Glorious Asaral, at road manager/personal assistant na si

Remigio “Erna” Piano. Kabilang sila sa Team Vice, tawag ng It’s Showtime host sa staff n’ya na pinagkakatiwalaan n’ya.

Pero mismong si Vice ay aminadong maiksi ang pasensiya at mabilis mag-init ang ulo.

Nagsalita si Vice at ang tatlong staff members n’ya sa three-part YouTube video na ipinost noong December 4, 2020.

Pagtatapat ng pinakasikat na bading host sa bansa: “Hindi naman ako matagal magalit. Actually, hindi naman ako ‘yung galit na galit.

“Naa-upset ako, pero hindi ako ‘yung nagagalit hanggang bukas,” pahayag niya.

Sinang-ayunan ito ng staff ni Vice.

Giit pa ng Kapamilya star, “Hindi ako tahimik. Hindi ako ‘yung tipong ‘pag nagalit ako, kinikimkim ko lang, ‘di ko sinasabi.

“Pag galit ako, sinasabi ko agad. So, tapos na agad.

“Hindi masarap sa pakiramdam ‘yung nagagalit. Ayokong nagagalit ng matagal.”

Tinanong din si Vice kung ano ang ayaw niya sa sarili.

“Mabilis akong ma-upset. Siguro kasi maiksi ‘yung pasensiya ko,” pag-amin ng tinaguriang Unkabogable Star.

Sa isang bahagi ng video, tinanong ni Vice si Erna kung ano ang ayaw nitong ugali ng TV host-comedian.

Si Erna ay kasama ni Vice sa kanyang bahay at 20 taon na silang magkaibigan. Paglalarawan nga ni Vice, magkasama sila ni Erna 24/7.

Sagot ni Erna, “To tell you honestly, guys, ang hindi ko talaga gusto kapag kasama siya ay ‘yung madaling mag-init ‘yung ulo niya.”

Kapag may iniutos daw si Vice, ang gusto nito ay gawin ora mismo.

“Ang gusto niya ‘pag [sinabi] niya, ‘Penge ako… pak! Pak! Pak! Gusto niya andiyan na agad.

“Madaling mag-init ang ulo niya. Pak! Andiyan na agad ‘pag gumanyan,” ani Erna, na nagmuwestra ng pumipitik ang mga daliri.

Pero giit pa rin Erna, isa rin ito sa mga dahilan kung bakit matagumpay si Vice.

Ipinaliwanag naman ni Vice kung bakit nasabi ito ni Erna sa kanya.

Aniya, “Actually, sinabi ko na nga sa kanya, kasi I feel so bad, kasi minsan nasasaktan ko mga damdamin niyo.

“Lagi akong nagmamadali. ‘Tapos pag hindi nakaka-deliver ‘yung katrabaho ko, naiinis ako. And I feel so bad.

“Eh, ang sabi niya, ‘No, ‘wag kang magagalit sa sarili mo, kasi kailangan mong maging ganyan para umabot ka sa posisyon mo.’”

Pagsegunda ni Erna, “Hindi ka naman aabot kung nasaan ka ngayon kung hindi dahil sa ganyang pag-uugali mo.

“‘At saka on the other hand and on the brighter side, ang dami niyang natulungan.”

Ipinagmalaki  naman ni Glorious na generous si Vice sa mga kasamahan niya.

Noong simula ay hindi naging madali sa staff ni Vice na intindihin ang attitude nito sa trabaho.

Kuwento ni Vice, “Kaya noong simula, hindi nila ma-gets. ‘Bakit si Bakla laging  nagmamadali? Kailangan ganyan, ganyan, ganyan.’ Kasi nga, wala tayong oras.

“Kaya ‘pag ‘yung katrabaho ako ‘di ako kakilala, mao-offend talaga.”

Ito ang dahilan kaya effective ang working relationship ni Vice sa kanyang team ngayon.

“Yung katrabaho, kapamilya ko, alam na alam nila, gets na gets nila,” sabi niya.

Ipinagmalaki pa ni Vice na ang mga dating miyembro ng kanyang team na umalis ay nag-e-excel sa ibang nilipatan. Nahasa ang mga ito na dapat ginagalingan pagdating sa trabaho.

“Yun ang proud ako.’ Yung mga nanggaling sa akin, lagi nilang sinasabi, ‘Nagkaganito ako dahil sa iyo,” pagbabahagi ni Vice.  

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …