Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Legal Wives, pinaghandaang mabuti ang bawat detalye

SUMABAK na sa lock-in taping nitong Disyembre 1 ang cast ng inaabangang Kapuso series na Legal Wives. Tunay na kaabang-abang ang naturang cultural drama series. Bukod kasi sa bigating Kapuso stars na bibida rito, kapansin-pansin din sa inilabas na behind-the-scenes photos na talaga namang pinaghahandaan ang bawat detalye sa serye.

Sa photos mula sa kanilang lock-in taping, makikitang ang tatlong naggagandahang Kapuso aktres na sina Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali na nakasuot ng pangkasal. Kasama rin nila si Kapuso Drama King Dennis Trillo na gaganap bilang kanilang asawa. Ang natatanging serye ay iikot sa karakter ni Ishmael (Dennis), isang Muslim mula sa lahi ng mga Maranaw na iibig at mapapangasawa ang tatlong babae na sina Amirah (Alice), Diane (Andrea), at Farrah (Bianca) dahil sa magkakaibang rason.

Mula sa direksiyon ni Zig Dulay, kasama rin sa Legal Wives ang beteranang aktres na si Cherie Gil, gayundin sina Shayne Sava at Adbul Raman, Bernard PalancaKevin Santos, Maricar De MesaJuan Rodrigo, at Irma Adlawan.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …