Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jessica at Atom, wagi bilang News Personalities of the Year 

KINILALA bilang Female News Personality of the Year ang GMA News Pillar na si Jessica Soho habang Male News Personality of the Year naman si Atom Araullo sa RAWR Awards 2020 ng LionhearTV na ginanap virtually nitong Sabado, December 5.

Sa kanyang mensahe, inialay ni Jessica sa mga bumubuo ng programa niyang State of the Nation with Jessica Soho at sa buong GMA News and Public Affairs ang nasabing award.

“To LionhearTV and its RAWR Awards, thank you very much for choosing me as the Female News Personality of the Year. It means a lot because times are hard and we’re all in this pandemic but somehow you managed to give out awards and inspiration to all of us. So this award is not only for me but for the entire staff of State of the Nation and the entire GMA News and Public Affairs organization. Thank you for this honor and for this privilege and inspiration. It couldn’t have come at a better time,” sabi ng batikang broadcast journalist.

Samantala, malaki rin ang pasasalamat ni Atom sa natanggap na award at nagsisilbing inspirasyon ito para gampanan pa nila nang mabuti ang kanilang tungkulin bilang mamamahayag.

“Gusto ko pong magpasalamat sa inyong parangal na iginawad. Isa po itong very challenging year para sa ating lahat at maging sa aming mga miyembro ng media. Marami pa tayong mga haharaping pagsubok sa mga susunod na buwan at maging mga taon. Natutuwa po ako sa award na ito dahil ito ay nagbibigay sa amin ng lakas at enerhiya para patuloy na gampanan ang aming tungkulin,” pahayag ng Stand for Truth anchor.

Ang mga winner sa RAWR Awards ay ibinase sa boto ng fans at readers ng Lionheartv.net; sa blogging community at industry leaders; at sa third-party analytics.

Congratulations, Jessica and Atom!

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …