Thursday , December 26 2024

Alboroto ng DDS vs Kamara iinit pa (ABS CBN franchise kung bubuhayin )    

KLARONG pambabastos ang plano ng Kamara sa pamumuno ni House Speaker Lord Allan Velasco na mabigyan ng prankisa sa susunod na taon ang ABS-CBN.

Pananaw ito ng mga supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang reaksiyon sa naging pagtiyak ni Deputy Speaker at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na bumubuwelo lamang ang liderato ni Velascso dahil kauupo lamang sa puwesto ngunit pagpasok ng 2021 ay haharapin nito ang isang “major battle” para mabigyan ng hustisya ang ginawang ‘firing squad’ sa ABS-CBN.

Sinabi ng pro-Duterte Blogger na si Banat By o Byron Cristobal, kung itutuloy ng liderato ni Velasco na mabigyan muli ng prangkisa ang ABS-CBN ay sila na mismo ang nambastos sa bayan, aniya, nakita sa mga isinagawang pagdinig na may violations ang ABS-CBN na dahilan ng pagkansela sa kanilang prankisa, kung nagbago ang House Speaker at maibabalik muli ang operasyon ng TV network  ay nangangahulugan na ang mga congressman din ang bumabastos sa batas.

“Ito ‘yung sinasabi natin e, pinasukan na ng politika”paliwanag ni Cristobal.

Naniniwala ang Duterte supporters na ang kompiyansa ni  Atienza na may magagawa ngayon para maisulong ang ABS-CBN franchise renewal ay dahil nakapuwesto siya bilang Deputy Speaker.

Bunga nito, binatikos ni Cristobal si Velasco sa ginawa niyang ‘bayad-utang’ kay Atienza kaya ipinuwesto bilang Deputy Speaker.

“Si Atienza ay isang ‘dilawan,’ bumabatikos kay Pangulong Duterte, pero dahil ipinagtanggol niya nang todo si Velasco noong naglalabanan sa Speakership kaya eto ngayon, ang ‘bayad-utang’ ay ang posisyon. Ganoon na ba ngayon, ang posisyon ang ibinabayad sa utang, nakahihiya naman,” dagdag ni Cristobal.

Bukod kay Atienza, naitala rin bilang Deputy Speaker si Cagayan Rep. Rufus Rodriguez na isa sa supporter din ng ABS-CBN franchise renewal.

Iginiit niyang hindi minaltrato o ini-assasinate ang ABS-CBN gaya ng pakiwari ni Atienza dahil nabigyan sila ng pagkakataon na idepensa ang kanilang panig sa isinagawang  pagdinig, ani Cristobal, hindi dapat manahimik si Velasco sa isyung ito.

“Kung hindi galing kay Velasco ang sinasabing planong pagbabalik ng operasyon ng ABS-CBN sa 2021 ay i-deny nya ito, dahil kung hindi niya ito sasagutin ay malinaw na salungat ito sa direktiba ni Pangulong Duterte,” paliwanag ng DDS na si Cristobal.

Puna ni Cristobal, mula nang maupo si Velasco sa Kamara ay ipinapakita niyang hindi siya tunay na kaalyado ni Pangulong Duterte dahil taliwas ang mga hakbang sa posisyon ng Malacañang.

Una, ang pagtatanggol niya sa Makabayan sa isyu ng red tagging. Ikalawa, ang pagbibigay posisyon sa Kamara sa mga kritiko ni Pangulong Duterte at ikatlo, ang plaong pagpapabalik sa operasyon ng ABS-CBN.

Nagbanta ang Duterte suporters na magmamasid sila sa galaw ng Kamara.

“Magmamasid tayo sa Kamara dahil andiyan lahat nangyayari ang mga magic,” dagdag ng Duterte supporter.

Una nang sinabi ni Atienza, sa ilalim ng pamumuno ni Velasco ay maibabalik muli sa floor ang diskusyon sa pagpapalawig sa prankisa ng ABS-CBN.

Sinabi naman ni House Minority leader at Abang-Lingkod Partylist Rep. Joseph Stephen Paduano na pagpasok ng 2021 ay maaari nang maghain ng franchise renewal application ang ABS-CBN alinsunod na rin sa rules ng Kamara.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *