KUNG mag-isa lang talaga kayong namumuhay, at ni isang kasambahay, ay wala kayong kasama, huwag n’yong ilihim sa malalapit n’yong kaigan na ‘di na kayo nakatutulog dahil sa takot at sa kalungkutan. Most likely ay may magagawa sila sa panahong ito para maibsan ang takot at kalungkutan n’yo.
‘Yan ang payo ng komedyanteng si John “Sweet” Lapus na umamin kamakailan na mayroon siyang “autophobia”–ang takot na laging nag-iisa sa buhay.
“Noong first three week ng ECQ (enhanced community quarantine), halos ‘di na ako nakatutulog. Nagpa-panic attack na ako,” pagtatapat ni Sweet noong virtual media conference para sa mini-series na Paano Ang Pasko? ng TV 5, na may major role siya bilang si “Manang Kitty.”
Umaayos lang ang araw n’ya kapag may nakakausap siyang kaibigan sa cellphone o sa pamamagitan ng Internet. Noong pwede nang lumabas at pumunta sa bahay ng ibang tao, isang gabi ay nagyaya siya ng ilang kaibigan para mag-card games at mag-drinking-drinking.
Sinunod naman nila ang utos na ‘di dapat lumagpas sa sampu silang lahat at dapat ay may social distancing sila sa isa’t isa.
Sa get-together na ‘yon ay na-realize ng mga kaibigan n’ya kung gaano katindi ang autophobia ni Sweet. Sila mismo ang nagpasya na mag-set up ng 24-hour Zoom meeting na iba’t iba ang magho-host para laging may makakausap sa video si Sweet at virtually ay lagi na rin siyang may kasama.
Tuwang-tuwa si Sweet sa ipinasya ng mga kaibigan n’ya. Pansamantalang natigil ang kanilang round-clock Zoom meeting kay Sweet noong nag-lock-in taping na ito for several weeks para sa Paano Ang Pasko?
Kaya nga ang payo n’ya sa mga problematic sa pag-iisa nila ay huwag mahiyang ipagtapat ‘yon sa malalapit na kaibigan para matulungan silang bigyan ng solusyon ang kalagayan nila. Malamang na bukod sa round-the-clock Zoom meeting, may iba pang solusyon o pampagaan ng kalooban ng mga may autophobia.
Diskurso ng napaka-articulate comedian-writer-director: “Anxiety/depression should be admitted and talked about. It’s part of the healing process. How will your loved ones know how to help you if you will not tell them? By doing so, people will also be made aware that this can happen to anyone.”
Sa Paano ang Pasko? na ipinalalabas na sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 9:00 p.m., masaya si Sweet sa papel n’yang Manang Kitty. Family governess siya na nakaaalam ng mga sikreto ng bawat miyembro ng pamilya na pinagtatrabahuhan n’ya.
Lahad n’ya tungkol sa character n’ya: “Manang Kitty is an important character because, after all the crying, she will make you laugh so hard. She will prepare you for another episode of crying the following day.”
Ang Paano ang Pasko? ay konsepto ng award-winning writer-filmmaker, Jun Robles Lana. It is a collaboration among directors Eric Quizon, Ricky Davao and Perci Intalan.
The series revolves around the family’s holiday gathering, and how old wounds and struggles threaten to dampen the supposed joyous occasion. Serving as the family’s center is Faith (Maricel Laxa-Pangilinan), the loving mother to three daughters, Love (Julia Clarete), Hope (Beauty Gonzalez) and Joy (Devon Seron).
Nasa cast din nito sina Allan Paule, Ejay Falcon, Matt Evans, at Danita Paner. Produksiyon ito ng The IdeaFirst Company para sa Cignal Entertainment.
KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas