Thursday , December 26 2024

Bakuna ‘wag gamiting ‘deodorizer’ (Kamara binalaan)

NAGBABALA kahapon ang isang medical group kay House Speaker Lord Allan Velasco na huwag gamitin ang bakuna laban sa CoVid-19 para ‘bumango’ ang pangalan.

Ang pahayag ay ginawa ng grupong Medical Action Group (MAG) matapos ni House Secretary General Mark Llandro “Dong” Mendo­za na prayoridad ni Velasco na mapa­bakunahan ang may 8,000 miyembro at kawani ng Mababang Kapulungan kapag available na ang bakuna.

Inamin ni Mendoza na nakikipag-ugnayan na sila kay vaccination czar Charlie Galvez hinggil sa nasabing bagay.

Ayon kay MAG chairperson, Dr. Nemuel Fajutagana nakatatakot ang ganitong mga pahayag dahil maaari talagang mangyari ang disenfranchisement sa oras na dumating sa bansa ang CoVid-19 vaccines.

Tiyak umanong mauuna sa bakuna ang mga congressman at kanilang mga staff lalo’t sila ang may hawak ng budget.

“Baka naman ito ay maging in aid of reelection to some people. May magandang plano sa distribution ng vaccine, ang issue rito is if it will not really be hijacked. May mga mangyayaring deviation. Pero paano kaya natin maga-guarantee na iyong ating plinano na those supposed to be given priority will really get that material or that vaccination,” pahayag ni Fajutagana.

Umapela ang grupo kay Galvez na tiyakin ang transparency sa pamamahagi ng CoVid-19 vaccine at hindi iayon sa kagustuhan lamang ng mga mambabatas.

“Limited pa lang ang availability ng vaccine, kaya mauuna dapat ‘yung vulnerable sector. The civil societies and  NGOs should really monitor the distribution to ensure transparency. Ayaw natin sanang mang­yari, disenfranchisement. Ang problema rito kung na-disenfranchise ka because some people used their power of the purse, parang ‘yung Congress nga e, because they control the budget e,” paliwanag ng MAG.

Aminado ang grupo na pabor sila sa planong distribution ng bakuna ng Department of Health(DoH) ngunit ang malaking isyu ay kung paano ito mapoprotektahan.

“Ang ano na lang namin dito ay how do we safeguard that plan, and how do we make sure that selection, the implementation of those who were selected really, identified as vulnerable were really be receiving such services as planned, without political pressure coming from those who are controlling the purse,” dagdag ni Fajutagana.

Nagbabala rin ang grupo laban sa paggamit ng mga mambabatas sa bakuna para bumango ang kanilang pangalan para sa 2022 election.

“Ang fear talaga, itong bakuna being used as an election event. Baka may bakuna riyan may pangalan pa kung sinong magbibigay niyan e,” giit ni Fajutagana.

Ang pangako ni Velasco na uunahin ang mga mambabatas at empleyado na makatang­gap ng CoVid vaccine ay sa harap na rin ng paglobo ng mga tinamaan sa Kamara na umabot sa 98 kaso nito lamang buwan ng Nobyembre.

Sinita ng QC Health Department – Epidemiology and Surveilance Unit ang Kamara sa late reporting ng kanilang CoVid cases kaya nagkaroon ng pagdami ng kaso dahil sa kawalan ng contact tracing.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *