Thursday , December 26 2024

‘Singit’ na bilyong infra budget ilaan sa CoVid vaccine cold storage facility — Health group

NANAWAGAN ang isang health group sa House of Representatives na ilaan sa pagpapatayo ng cold storage facilities para sa bibilhing CoVid-19 vaccines ang bilyong infrastructure funds na isiningit sa 2021 national budget para paboran ang piling kongresista nang maupo bilang House Speaker si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Ayon kay Medical Action Group (MAG) chairperson, Dr. Nemuel Fajutagana, dapat bawasan ang pondo sa infrastructure ngayong 2021 dahil mas nangangailangan na pondohan ang CoVid response ng pamahalaan, bukod sa bilyong halagang bibilhing bakuna ay bilyon din ang gagastusin para sa handling ng bakuna na nangangailangan ng -70 degree Celsius na storage facility.

“Maganda siguro bawasan ang budget for infrastructure sa congressional districts and ipagpatayo ng cold storage facility. The thing is, you may be able to buy the vaccines but before they reach the communities, they are not effective anymore because of the problem on the cold chain,” paliwanag ni Fajutagana.

Ayon kay Department of Health (DOH) Disease Prevention and Control Bureau supervising health program officer Luzviminda Garcia, gagastos ng P3 bilyon para sa -70 degrees Celsius storage requirement sa CoVis vaccine na gagamitin ng 25 milyong Filipino.

Inamin ni Garcia, ang pasilidad na mayroon ang Filipinas ay 8 degree hanggang -20 degree Celsius, malayo sa requirement na kailangan para sa CoVid vaccine.

Sinabi ni vaccinologist Melvin Sanicas, dapat manatiling frozen ang CoVid vaccine para maging epektibo dahil kung hindi ito maiimbak nang mabuti ay mawawala ang bisa nito.

Sa paghimay ng Senado sa 2021 national budget ng DOH ay lumilitaw na walang nakapaloob na budget para sa cold storage facility at sa iba pang supply chain -related costs para sa bakuna.

“We need extra budget lang sa for the supply chain — from the storage to transportation, including iyong syringes and pati po ‘yung training ng vaccinators. May expense din po iyan. We have to find a way to cover that because that is not in the budget,” pahayag ni Sen. Pia Cayetano.

Bukod sa Medical Action Group, una na rin nanawagan ang grupong Infrawatch PH sa Senado na harangin ang infrastructure allocations ng lahat ng congressional districts. Ang pondong ito ay maaaring mailaan sa mas mahahalagang programa na pakikinabangan ng mas nangangailangang sektor lalo sa disaster at CoVid-19 pandemic response.

Sa paghimay ng Senado sa P667 bilyong budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa taong 2021, lumilitaw na P447 bilyon dito ay para sa congressional districts, nasa P620 milyon hanggang P15 bilyon ang infrastructure projects ng bawat kongresista.

Nadiskubre rin na mayroong double funding, overlapping projects sa mga distrito at biglaang ‘singit’ sa budget nang magpalit ng liderato sa Kamara at maupo si Velasco.

“Pagpalit ng liderato, napansin namin, halimbawa sa NEP (National Expenditure Program), ‘yung isang distrito nasa P9 bilyon. Siguro medyo matibay ‘yung distrito na ‘yun, paglabas ng GAB, under the new leadership, umabot pa ng P15 billion. Merong distrito din na nasa P4 or P5 billion, paglabas ng GAB, nadagdagan pa ulit ng another P4 or P5 billion, naging halos P8 billion na. So nakagugulat talaga,” nauna nang pagbubunyag ni Sen. Panfilo Lacson.

Ilan sa tinukoy ni Lacson na may malaking infrastructure budget ay isang distrtito sa Davao na may P15.351 bilyong budget; sa Albay ay P7.5 bilyon, sa Benguet ay P7.9 bilyon habang sa Abra ay P3.75 bilyon.

Hindi tinukoy ni Lacson ang mga partikular na distrito ngunit isa sa may hawak ng Distrito sa Davao ay si Davao Rep. Paolo Duterte, sa 2nd District ng Albay ay si Joey Salceda,  sa Abra ay si Lone Distrct Rep. Joseph Bernos habang caretaker naman sa Benguet si ACT CIS Partylist at House Appropriations chairman, Rep. Eric Yap.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *