Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Unang Higit, mamimigay ng brand new house

ISANG brand new house ang handog ng Unang Hirit sa loyal viewers nito bilang pagdiriwang ng ika-21 anniversary ng programa. Ang  Bagong Bahay 2021, Pag-asa at Pagbangon, ay isang online promo na bukas sa lahat ng mga naapektuhan nang husto ng Covid-19 pandemic at ng mga nagdaang kalamidad.

Kailangan lang ibahagi ng mga gustong sumali kung paano hinarap ng kanilang pamilya ang mga pagsubok na dulot ng Covid at ng mga kalamidad, pati na rin kung paano sila unti-unting bumabangon upang itaguyod muli ang kanilang buhay.

Makikita sa official Facebook page ng Unang Hirit ang link kung saan maaaring ipadala ng viewers ang kanilang entry kasama ang kanilang contact details.

Sa January 8, 2021, ia-announce ng programa kung sino ang mananalo ng bagong bahay.  Bukod sa bahay, mayroon ding “Gift Me Something” na regalo ang programa na makatatanggap ang winners ng GMA Affordabox at P5,000 cash. Kailangan lang ipadala ng viewers ang picture ng regalong inire-request ng UH host kasama ang contact details ng sumasaling viewer.

May link din sa official UH Facebook page na pwedeng ipadala ang entry. Bisitahin lang ang https://www.facebook.com/Unang.Hirit/.

Tuloy-tuloy ang blessing na natatanggap ng tinaguriang “Pambansang Morning Show.” Kamakailan lang, pumalo na sa 3 million ang followers ng Unang Hirit sa Facebook, halos doble sa bilang noong nagsimula ang taong 2020. Congrats, UH!

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …