Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

YT subscriber ni Ivana Alawi, lagpas na ng 10 milyon sa loob lamang ng 14 mos.

ANG tindi pala talaga ng pang-akit ni Ivana Alawi! Sayang at hindi na humabol pa sa deadline ng paparating na Metro Manila Film Festival ang entry sana nila ni Vice Ganda na Praybeyt Benjamin 3 na co-production sana ng Viva Films at Star Cinema. 

Mantakin n’yo bang umabot sa lagpas ng 10 milyon ang subscribers n’ya sa You Tube sa loob lamang ng 14 buwan!

Pwedeng ang ibig sabihin niyon ay buwan-buwan kulang-kulang na isang milyon ang nadaragdag sa tagasubaybay ng kagandahan at alindog ng vlogger-actress.

Hindi naman panay pagpapa-sexy lang na walang katorya-torya ang ginagawa ni Ivana na Filipina-Moroccan. May mga prank (joke) din siya at challenges.

Noong Nobyembre 23 nga pala ipinost (sa Youtube din, siyempre pa!) na lumagpas na sa 10 million ang subscribers n’ya.

Simpleng pagbabalita n’ya (published as is): “HAPPY 10 MILLION!!! [emoji] 1 year and 2 months on Youtube.[emoji] We love you!!! — Alawi Family.” 

Proud na proud naman sa kanya ang pamilya n’ya. Kasama n’ya sa litrato sa thank-you post ang kanyang butihing ina na si Fatima at ang mga kapatid n’yang sina Mona at Hashim. Bigay na bigay ang ngiti ng kaligayahan sa mga mukha nila. Alam nilang ang ibig sabihin ng 10 milyong subscribers para kay Ivana ay daan-daang libong pisong kita buwan-buwan.

Ayon mismo sa You Tube, bawat post ni Ivana ay milyones ang nanonood!

Gagawaran nga pala si Ivana ng You Tube ng Diamond Play Button bilang ebidensiya na lumagpas na sa 10 milyon ang subscribers.

Noong November 18 ang huling vlog ni Ivana, ayon sa You Tube. Tampok doon ang biyahe n’ya sa Cagayan at Isabela para magkaloob ng relief goods na grabeng naapektuhan ng bagyong Ulysses at ang pagpapakawala ng tubig mula sa Magat Dam para hindi ito umapaw at mawasak na mas higit sa malaking disgrasya ang idudulot sa mga mamamayan ng magkatabing lalawigan.

Ivana first uploaded a video on YouTube back in August 2019. Ang A Day In My Life video na umabot sa 24 na milyon ang viewers.

Apart from her internet career, Ivana also appears in teleseryes and films. Most recently, she starred alongside Jake Cuenca in the horror movie Sitsit which premiered last Halloween.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …