Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nora at Sen. Bong, ginawaran ng pagkilala sa 19th Gawad Amerika

BINIGYANG pagkilala sina Nora Aunor at Sen. Bong Revilla sa ginanap na 19th Gawad Amerika Awards noong November 21 sa Los Angeles, California.

Ginawaran ang nag-iisang Superstar ng Lifetime Achievement Award in Performing Arts habang si Sen. Bong naman ay pinarangalan ng Lakandula Award.

Dahil pa rin sa Covid-19 pandemic, hindi nakadalo sa awards night ang Kapuso awardees at nagpadala na lamang sila ng video message bilang pasasalamat sa parangal na natanggap.

Mensahe ng Superstar, “Sa lahat ng tagahanga ko riyan sa Amerika, mga nagmamahal po sa akin, sa lahat ng sumusuporta, ang aking walang katapusang pagmamahal sa inyong lahat d’yan. Mula po sa puso, walang iwanan, love you.”

Puno rin ng pasasalamat ang mensahe ni Sen. Bong, “Isang karangalan po na tanggapin ang parangal na ito. Ang mga ganito pong pagkilala ang nagtutulak sa akin para higit pang magsumikap sa ating sagradong tungkulin sa bayan. Makakaasa po kayo na tulad ng inyong hangarin bilang isang tagapaglingkod sa bayan, patuloy ko pong isusulong ang kapakanan ng ating mga kababayan.”

Samantala, malapit nang muling mapapanood si Nora bilang Cedes sa pagbabalik-telebisyon ng Bilangin ang Bituin sa Langit habang bibida naman si Sen. Bong sa upcoming GMA show na Agimat ng Agila.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …