Thursday , December 26 2024

Health protocol nilalabag mismo ng house leaders (Solons, gov’t officials na-expose rumampa sa iba’t ibang hearing)

LANTAD sa coronavirus o CoVid-19 ang ilang leaders ng Kamara sa pangunguna nina House Speaker Lord Allan Velasco, Deputy Speaker Mikee Romero, DIWA Partylist Rep. Mike Aglipay, at House Secretary- General Dong Mendoza ngunit hindi sinusunod ang mandatory health protocol.

Ayon sa report, may exposure sina Velasco, Romero, Aglipay, at Mendoza kay TESDA Director Isidro Lapeña nang makasama nila sa isang pagtitipon kasama ang mga alumni ng Philippine Military Academy (PMA) ngunit hindi nag-self-quarantine bagkus ay dumadalo pa sa mga hearing sa Kamara na maaaring maglagay sa kompormiso ang kanilang mga staff at iba pang kapwa mambabatas.

Una nang kinompirma ni Senator Joel Villanueva na nagpositibo sa CoVid-19 si Lapeña, nitong Biyernes, 20 Nobyembre, nang dumalo si Lapeña sa Senate Hearing at kinabukasan, 21 Nobyembre ay nakuha nito ang kanyang positive result sa virus.

Dahil na-expose si Villanueva kay Lapeña kaya kasalukuyan siya naka-self-quarantine kasabay ng panawagan sa mga staff at iba pa sa Senado na nagkaroon ng close contact na gumawa ng kahalintulad na hakbang.

Sa kabilang banda, sa Facebook post ni Romero ay makikitang 19 Nobyembre nang makaharap ng House Leaders si Lapeña sa isang dinner sa Shangrila Fort Bonifacio kasama sina dating PNP Chief Egay Aglipay, DND Secretary Gen. Delfin Lorenzana, Seretary Gringo Honasan, Environment Secretary Roy Cimatu, Hermogenes Esperon, Carlito Galvez, at DSWD Secretary Rolando Bautista, sa kabila ng anunsiyo na nagpositibo sa virus si Lapeña ay hindi naman nag-obserba ng health protocol ang apat.

Matapos kumalat sa Kamara na may exposure sina Velasco at Romero kay Lapeña ay ilang kawani ang nangangamba rin sa kanilang kalusugan.

“Sila ay may pera, kung dapuan sila ng virus pero paano naman kami, nakalulungkot na sila mismo ang hindi sumusunod sa health protocol at mga manggagawa ang maaaring ma-expose sa kanila,” pahayag ng isang staff na tumangging magpabanggit ng pangalan.

Walang kompirmasyon ang Kamara ngunit sinasabing nagspositibo din sa virus si ACT CIS Partylist Rep. Niña Taduran.

Nabatid sa isang source na noong nakaraang Lunes, 16 Nobyembre, nagpa-swab test si Taduran pero noong Biyernes, 20 Nobyembre lamang nakuha ang test result.

Sa pagitan nito ay palagian ang pagdalo ng lady solon sa mga hearing.

Nanawagan ang mga kawani ng Kamara kay Velasco na paigtingin ang ipinatutupad na protocol laban sa CoVid-19.

Binatikos ng mga empleyado ang masyadong relax na pagsunod sa guidelines sa ilalim ng bagong House Leadership dahil hindi sila naaabisohan na nagpositibo sa virus si Taduran kaya ang mga naging close contact nito ay maaaring nakahalubilo pa ng iba at hindi nakapag-self quarantine. (HATAW News Team)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *