INILUNSAD kahapon ng Taguig City University, ang Teaching Hubs na naglalayong masiguro ang kalidad ng Tertiary Education sa ilalim ng Sharpened Online Learning Program ng unibersidad.
Dumalo ang mag-asawang kinatawan ng lungsod na sina Rep. Peter Allan Cayetano at Rep. Lani Cayetano at iba pang opisyal ng Taguig City University.
Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, ang bawat teaching hubs ay kompleto sa studio equipment at technical team na aalalay sa faculty members sa pagtuturo sa live online classes.
Mayroon din teachers’ launch at coffee bars upang mabigyan ng maayos na pahingahan sa oras ng kanyang break sa klase.
Sampung silid-aralan ang gagamitn ng TCU para sa Sharpened Online Learning Program gamit ang state-of-the-art information and communication technology.
Idinesenyo ang naturang teaching hubs upang mahikayat ang faculty members na magturo ng kanilang online classes sa loob ng university campus.
Samantala higit 6,000 units ng tablet ang ipinamigay ng Taguig local government unit (LGU) sa mga estudyante at sa mga teacher kasabay ng paglulunsad ng Teaching Hubs ng Taguig City University.
Ayon kay Dr. George Tizon, chief supervisor head ng Taguig City Education Office.
Ang pamamahagi ng tablets ay bilang paghahanda ng mga mag-aaral sa online classes dahil naniniwala ang Taguig City na mas kailangan ito sa Higher Education level partikular sa TCU. (JAJA GARCIA)