Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dennis, namangha sa kultura ng Maranaw

SALUDO si Kapuso Drama King Dennis Trillo sa kanyang karakter sa upcoming GMA series na Legal Wives.

Iikot ang kuwento ng Legal Wives kay Ishmael (Dennis), isang Muslim mula sa lahi ng mga Maranaw na iibig at mapapangasawa ang tatlong babae, sina Amirah (Alice Dixson), Diane (Andrea Torres), at Farrah (Bianca Umali).

Hindi mapigilan ni Dennis na mamangha sa kultura ng mga Maranaw na kanilang ibibida sa bagong teleserye. “Parang nabigla ako noong umpisa pero nang nabasa ko naman ‘yung script… ang ganda ng ginawa nila rito. Mai-in love ka sa bawat character, mai-in love ka roon sa kultura.”

Naiiba rin ang paninindigan ng kanyang karakter. “Siya ‘yung tao na iidolohin mo dahil iba ‘yung paninindigan niya. Iba siya magmahal. Bawat tao sa paligid niya kaya niyang pakitunguhan kaya rin siguro nabigyan siya ng pagkakataon na magkaroon ng tatlong iibigin dito sa kuwento dahil mapagmahal siyang tao.”

Kasama rin sa powerhouse cast ng Legal Wives ang beteranang aktres na si Cherie GilShayne Sava, at Adbul Raman, Bernard PalancaKevin Santos, Maricar De Mesa, Juan Rodrigo, at Irma Adlawan.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …