Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rigondeaux kakasahan si Casimero sa 2021

PINAG-UUSAPAN na  ang posibleng laban  nina bantamweight champions John Riel Casimero at Guillermo Rigondeaux para sa unification fight sa Marso o sa Abril.

Ang tinaguriang ‘The Jackal’ Rigondeaux (20-1, 13 KOs) ay hawak ang WBA ‘regular’ 118-lb title, samantalang si Casimero (30-4, 21 KOs) ay tangan naman korona ng WBO bantamweight.

Ang mananalo sa labang Casimero at Rigondeaux ay inaasahan na makakaharap ang IBF/WBA 118lb champion Naoya ‘Monster’ Inoue sa isang unification fight sa 2021.

Sa edad na 40, tantiya ng mga miron sa boksing na mahihirapan si Rigondeaux na harapin ang ‘punching power’ at talento ni Casimero.

Kahit pa nga sinasabing nagbalik ang dating Rigondeaux sa kompetisyon simula nang bumaba ito mula sa 122lb division nung Marso, mananatiling dala-dala niya ang edad at magkakaroon siya ng malaking problema sa kabataan ni Casimero at sa matitindi nitong kamao.

Tinalo ni Rigondeaux si Liborio Solis via 12 round split decision nung Pebrero 8 para mapanalunan ang bakanteng WBA ‘regular’ bantamweight title.   Iyon ang debut ng 11-year pro Rigondeaux sa bantamweight, at nagpakita siya ng magandang laban para talunin si Solis.

Pinabagsak ng  two-time Olympic gold medalist Rigondeaux si Solis sa seventh round, pero sa pagtayo ng huli ay lalo itong naging mabangis para bigyan ng mahirap na laban ang nagkakaedad na boksingero.

Para sa mga kritiko, numero lang ang 40 pero nananatili pa ring competitive si Rigondeaux.  Katunayan ang huling tatlong panalo nito kontra kina Solis, Julio Ceja at Giovannie Delgado na hindi pa siya laos.

Nung 2018, umakyat ng dalawang weight classes si Rigondeaux para hamunin ang dating dating kampeon na si WBO super featherweight Vasiliy Lomachenko pero pinatulog siya sa 6th round.

Si Casimero, 31, ay mapapalaban sana  kay Naoya Inoue ngayong taon pero dahil sa pananalasa ng Covid-19 pandemic ay nadiskarel ang megafight.  

Impresibo si Casimero sa huling laban nito nang matagumpay na idinipensa ang korona niya sa WBA 118-pound nang gibain niya sa 3rd round ang dating walang talong si Duke Micah nung Setyembre 26 sa Charlo brothers card sa Uncasville, Connecticut.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …