Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PSC magpapadala ng tulong sa mga atleta na nasalanta ng bagyo

 NAGHAHANDA ang Philippine Sports Commission (PSC) para ipamigay ang financial assistance sa miyembro ng national team na matinding tinamaan ng magkakasunod na bagyo.

Ang PSC sa koordinasyon ng  National Sports Associations (NSAs) ay malalaman kung sinu-sino ang naging biktima ng nagdaan na mga bagyo.   Ang sports agency ay nakatanggap ng reports sa   atleta at coaches, ngayon ay nasa 57 mula sa 9 sports,  na nag-evacuate o nawala ang kanilang bahay sa pananalasa ng matinding ulan at flash floods sa Metro Manila at karatig lugar.

Siniguro ni PSC Chairman William Ramirez na minomonitor nila ang typhoon-ravaged members ng Philippine national team  at ngayon ay inaayos na ang proseso para i-release ang financial assistance.

“It might not be substantial but we will do our best we can to help them,” pahayag ng  sports chief.

“We will have this rolled out the soonest. We are just waiting for the final report from the NSA affairs so we can finalize everything,” dagdag ni PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr.

Marami sa naapektuhang national athletes and coaches ay mula sa Philippine Canoe-Kayak Dragonboat Federation na nakatira sa malapit na floodways sa Rizal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …