NANINIWALA si Miami Heat star Jimmy Butler na isang mahalagang piyesa ng prangkisa ang malapit na kaibigan at teammate na si Goran Dragic kung kaya biniro niya ito na ‘uupakan’ kapag nagpasya itong iwan ang Heat at sumalang sa free agency.
At tipong nakinig si Dragic sa biro at lambing ni Butler, pumirma siya ng dalawang taong ‘deal’ para manatili sa Heat at bumalik sa kompetisyon para ipagpatuloy ang misyon na magkampeon sa NBA. Kinapos lang ang Heat sa nakaraang season at tinalo sila ng Los Angeles Lakers sa anim na laro.
Alam ni Butler na kailangan nila ang beteranong point guard para asamin muli ang titulo sa NBA.
Si Dragic ay nagkakahalaga ng $37.4 million sa loob ng dalawang season.
Malaki ang ginampanang papel ni Dragic sa nakaraang season sa Heat sa regular season at playoffs. May averaged siya sa regular season ng 16.2 puntos at 5.1 assist per game.
Alas ngayon si Butler sa Miami kumpara sa nakaraang paglalaro nito sa Tmberwolves at 76ers na naging demanding ito sa kanyang mga teammates kung kaya madalas na makasira sa mga laro. Ngayon ay kakaiba na ang kanyang reputasyon bilang leader ng team.