NAGBIGAY ng kanyang pananaw si Errol Spence Jr sa pinaniniwalaang top five pound-for-pound —at nasa unahan ng kanyang listahan si Canelo Alvarez.
Naniniwala si Spence na siya ang pinakamagaling sa kanyang dibisyon na welterweight na angat kay Terence Crawford na tinalo o si Kell Brook nung nakaraang Linggo.
Pero hindi pa rin niya inaangat ang sarili bilang greastest fighter sa buong mundo at inisplika niya kung bakit niya iniluklok si Alvarez bilang No. 1 dahil nanalo ito ng titulo sa 154, 160, 168 at 175 na timbang para maging four-weight world champion.
Inilagay niya sa No. 2 spot ang kasalukuyang kampeon ng super-flyweight na si Roman ‘Chocolatito’ Gonzales at ipinuwesto niya ang sarili sa ikatlo dahil ayon sa kanya isa siyang great fighter na kinalaban at tinalo ang magagaling na boxers sa kanyang weight class para maging unified champion. At umaasa siya na magiging undisputed champion sa isa pa o dalawang taon pa na darating.
Nasa ikaapat na puwesto si Terence Crawford (37-0) at nasa ikalimang puwesto si Claressa Shield.