Wednesday , January 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Brad Pitt, namahagi ng ayuda sa mga pobre sa LA

SUPERSTAR na superstar pa rin, kundi man megastar na, ang reputasyon ni Brad Pitt. Kahit wala siyang ginawang pelikula bilang aktor ngayong 2020, sinusubaybayan pa rin ng Hollywood media ang mga pinagkakaabalahan n’ya off-camera.

At isa roon ang naganap kamakailan lang: nagmaneho siya ng isang truck na pinuno n’ya ng kahon-kahong groceries, dinala ang mga ‘yon sa South Central sa Los Angeles, at isa-isang inabot sa mga mahihirap na naninirahan doon.

Ayon sa mga ulat, inabot ng tatlong oras sa isang lugar sa South Central ang pag-aabot ng mga kahon sa mga pamilyang naghihikahos.

Parang mag-isa lang siyang nagsagawa ng relief-giving project na ‘yon. May mga litratong buhat-buhat n’ya ang isang malaking kahon ng groceries. Fifty-six years old na si Brad pero parang kayang-kaya pa rin n’yang magbuhat ng mabibigat. Naka-unglamorous grunge outfit siya sa personal project n’yang ‘yon.

Hindi nakasaad kung ilang mga kahon ng groceries ang ipinamigay n’ya at kung ilang mga tao o pamilya ang pinagkalooban n’ya ng kahon ng groceries.

Hindi sa paggawa ng pelikula bilang mas abala ngayon si Brad kundi bilang producer ng matatawag na indie films sa Amerika. Plan B ang pangalan ng kompanya n’ya may tatlo o apat na pelikula na siyang nai-produce na ‘di pa naipalalabas dahil na rin sa pandemya. Umaasa siyang sa 2021 ay magsisimulang ang pagpapalabas ng mga ‘yon kundi man sa mga sinehan ay sa Netflix at iba pang streaming platforms.

Mas abala ngayon si Brad sa personal n’yang buhay, lalo na ‘yung may kinalaman sa visitation rights n’ya sa mga anak nila ng ex-wife n’yang si Angelina Jolie. 

Ngayong malapit na ang Christmas holidays, hangad n’yang sa poder naman n’ya mag-celebrate ng Pasko ang anim nilang anak at hindi kay Angelina.

Kinakailangan pang idaan sa korte kung paano n’ya makakapiling ang mga anak nila sa Pasko o sa Bagong Taon. Habang isinusulat namin ito, wala pang utos ang korte kay Angelina na payagan ang mga anak nila na sa poder ni Brad manatili ng ilang araw sa maikli lang din naman na Christmas holidays sa Amerika.

Mahabang proseso ang pagse- settle ng custody rights at visitation rights ng dating mag-asawa.

Noong Agosto hanggang Oktubre ay sinubaybayan ng media at ng madla ang pagkakaroon ni Brad ng relasyon sa 27-year-old German fashion model na si Nicole Poturalski dahil isinama ito ng actor sa isang resort estate sa France na conjugal property pa rin nila ni Angelina. At sa resort estate ring ‘yon ikinasal sina Brad at Angelina six years ago. May negosyo ng pagawaan ng mamahaling alak sina Brad at Angelina sa nasabing resort estate na ang pangalan ay Chateaux Miraval.

Pero nitong Nobyembre ay napabalitang tumigil na sa pagkikita at pag-uusap ang dalawa, kaya nagkapanahon si Brad na magkawanggawa nang personal sa Los Angeles, na pareho silang naninirahan ni Angelina. Si Nicole ay sa Berlin, Germany naninirahan.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …