Wednesday , December 25 2024

Subok na matibay, subok na matatag ang mga Pinoy

SA KABI-KABILANG pagsubok at delubyong dumating sa ating bansa, minsan pang pinatunayan ng mga Pinoy ang tibay, lakas at tatag… subok na matibay, subok na matatag… ika nga.

Bukod sa pandemyang CoVid-19 na halos siyam na buwan nating iniinda ay sinundan pa ito ng pitong bagyong lalong nagpahirap sa atin nito lamang Oktubre at Nobyembre.

Bukod sa pandemic at mga bagyo, mayroon pang lindol na may lakas na intensity 6 sa Mindanao ngayong buwang kasalukuyan. Mabuti na lang at hindi ito masyadong nakapaminsala.

Sa pandemya pa lang ay labis na tayong pina-hirapan sa loob halos ng siyam na buwan at hindi pa rin ito natatapos. Maraming buhay na rin ang nawala, libong mamamayan natin ang nawalan ng trabaho at hanapbuhay at kasalukuyang marami rin ang naaabala.

Bunga rin ng pandemyang ito kung kaya’t maraming kompanya ang napilitang magsara. Apektado rin siyempre ang ating mga kababayan na iniraraos lang na makakain nang tatlong beses sa isang araw.

Sa kabila nang lahat ay buong tapang na hinarap natin mga Pinoy ang hirap at sakripisyo na sa awa naman ng Poong Maykapal ay nalalagpasan naman at napapagtitiisan maski na paano.

Mantakin ninyong sa gitna ng pandemya ay hinambalos pa tayo ng mga bagyo na lubhang nagdulot ng panibagong kahirapan partikular sa mga kababayan natin sa Bicol, Quezon, at halos sa buong Luzon.

Malaking baha, kawalan ng buhay, kabuhayan at ari-arian ang iniwan ng mga bagyo sa malaking bahagi ng Luzon at gayondin sa National Capital Region (NCR).

Hanggang sa kasalukuyan ay nasa masamang kalagayan pa rin ang mga naninirahan sa mga lugar na ito kaya minsan daw ay nakararamdam sila na para bang sila ay pinaparusahan.

Handa naman anila silang maghirap at magsakripisyo sa lahat ng dumarating sa kanila nguni’t para naman daw iniaadya ng panahon na lagi na lamang sila at ang kanilang lugar.

Labis na silang pinahihirapan ng dalawang huling bagyo na Rolly at Ulysses na hindi lang minsan dumapo sa kanila kundi dalawang beses na dikit.

Hindi na raw nila inaalintana ang kasalukuyang pandemya. Ito marahil ay sa sobrang kahirapan sa buhay at sa sobrang pighati na kanilang dinaranas.

Ganoon pa man daw ay buong-puso nila itong tina-tanggap, hinaharap, at pinagtitiisan hanggang sa abot ng kanilang makakaya.

Sa ganitong sitwasyon din nasubukan ang pagtu-tulungan at bayanihan ng mga Filipino na ibinibigay lahat ng makakayanan hanggang sa inuming tubig at mga damit na hindi man bago basta’t ito ay tuyo at hindi basa.

Ganito kalaki ang puso ng mga Pinoy na handang harapin lahat ang pagsubok sa buhay anuman ang dumating. Walang iwanan, sama-sama sa hirap at ginhawa.

Napakahalaga at napakalaking salik sa ating buhay ang damayan na malaki rin ang posibilidad na maging instrumento upang lumakas ang loob ng bawat isa, ‘di po ba?

Ang mga tumutulong nating mga kababayan ay nagsisilbing inspirasyon at makinarya kung kaya’t sila ay hindi basta-basta na lamang bibigay at susuko. Dito na rin sila kumukuha ng lakas at tibay ng loob sa kanilang pakikipagsapalaran.

Ganyan tayong mga Pinoy… ako, ikaw tayong lahat. Hindi tayo basta na lamang iiyak, bibigay at bibitiw. Konting tiyaga lang, tiis at higit sa lahat ay huwag kalimutang dumaing sa ating Poong Maykapal.

Lalagpasan natin lahat ito, dahil tayo ay subok na matibay, subok na matatag.

YANIG
ni Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *