Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pia, balik-‘Pinas na; Sarah at ina, nagkaa-ayos na?

NAGKAAYOS na siguro ang ina ni Pia Wurtzbach at ang nakababatang n’yang kapatid na si Sarah Wurtzbach kaya nagpasya siyang bumalik na ng Pilipinas.

Ang mga nakagugulantang na akusasyon ni Sarah kay Pia at sa kanilang ina ang dahilan ng biglang pagbalik ni Pia sa London, England mula sa Pilipinas noong kalagitnaan ng Oktubre kahit na kauuwi lang niya mula  noong huling linggo ng Setyembre.

Nagkaayos ang magkapatid. Pero hindi ang ina niya at ang kapatid, kaya’t patuloy siyang nanirahan sa London hanggang ngayong kalagitnaan na ng Nobyembre.

Parang matagumpay naman ang pananatili n’ya roon dahil hindi na ang pagpo-post sa Instagram tungkol sa ina nilang si Cheryl Tindall ang inaasikaso ngayon ni Sarah. Ang lagi na n’yang ipino-post ngayon ay ang mga mapang-angkit n’yang larawan na ang layunin ay makuha siyang artista at modelo sa London na pang-International market.

Nagbebenta na rin ngayon si Sarah sa Instagram n’ya ng face mask na mukhang siya ang endorser sa London.

Pero sa latest post ni Pia, hindi lang pala ang maging malapit sa ina n’ya at kapatid ang dahilan ng pamamalagi n’ya sa London.

May isa pa palang taong malapit sa kanya ang nakabase rin sa London: ang boyfriend n’yang si Jeremy Jauncey. 

Pagtatapat ni Pia sa latest Instagram post n’ya: “Ang hirap ng LDR [long distance relationship] pero kailangan magtrabaho.”

Heto ang post n’ya: “En route to Manila and feeling a mix of emotions as I head back… looking forward to the work that I need to attend to but sad that I’m leaving my love back in the UK.  Ang hirap ng LDR pero kailangan magtrabaho 🥺 but I know we’ve been very blessed and its time to get back to work! 

Dagdag na pagtatapat pa n’ya: “Being surrounded with greenery always puts you in a good mood. We love going on long walks and we usually put our phones away (except for when we took these photos 🤭 pumayag sya) so we can really focus on just talking, reflecting and enjoying the view.

“This is something I never used to do but now has become a part of our lifestyle. It helps so much with clearing your thoughts and just putting you in a better mood. Sometimes I even go on my own. Laking tulong talaga para gumaan loob mo.”

Habang binabasa n’yo ito, malamang ay nasa condo unit na n’ya si Pia somewhere in Manila at nagsimula na siya sa kung ano mang project na pagkakakitaan nang napakalaki kaya ‘di n’ya pwedeng tanggihan.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …