Sunday , April 27 2025

Memorable at tagumpay na hosting ng Filipinas sa SEA Games pinuri

PINURI ng mga opisyal ng Sporting Committee mula sa iba’t ibang kalahok na bansa sa Southeast Asia (SEA) ang Filipinas dahil sa matagumpay na pag-oorganisa nito ng 30th SEA Games noong 2019, lalo ang mga itinayong state-of-the-art na pasilidad, ang propesyonalismo at magiliw na pagtanggap ng mga Filipino sa mga bisitang dumalo at mga kalahok sa nasabing palaro.

Sa isang video message na ipinalabas noong   turnover ceremony ng 30th SEA Games Final Report Book noong Miyerkoles, 11 Nobyembre, binalikan ng mga committee officials ng Singapore, Brunei, Malaysia, Thailand, at Indonesia ang kanilang mga karanasan sa nakaraang SEA Games at nagpasalamat sa organizers, mga tauhan, at volunteers nito.

Ang 300-pahinang Report Book na binuo ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) ay naglalaman ng mga kuwento ng pagsisikap at matinding pagmamahal sa sports na ipinamalas ng mga atleta, opisyal, volunteers, at mga personnel na nasa likod ng buong SEA Games.

PINAKAMALAKING
SEA GAMES
SA KASAYSAYAN

Pinuri ng Secretary General ng National Olympic Committee (NOC) ng Singapore ang PHISGOC, ang Philippine Organizing Committee (POC), at ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pag-organisa sa “pinakamalaking SEA Games sa buong kasaysayan.”

Wika niya, maayos na naisagawa ng bansa ang 30th SEA Games kahit 14 taon na ang nakalipas nang huli itong naatasang mag-organisa ng isang malaking sporting event.

“Kahit malawak ang sakop ng sporting event, na umabot 56 sports at 530 events sa hiwa-hiwalay na lugar, naging maganda pa rin ang kabuuang trabaho nila,” ani Chan.

Inalala rin niya ang “friendly” at “gracious” na pagtanggap ng mga Filipino sa kanila.

“Ang ngiti ng mga Filipino at warm hospitality na ipinakita sa amin sa lahat ng aming pinuntahan hindi lamang sa mga Games venue ay nakagigiliw talaga,” wika ni Chan habang inaalala ang bagyong Kammuri, o bagyong Tisoy sa Filipinas, na tumama sa bansa ilang araw lamang matapos ang umpisa ng 2019 SEA Games.

Pareho ang sentimyento ng opisyal ng NOC Malaysia na si Dato Nazifuddin.

“Talagang na-appreciate namin ang 30th SEA Games na masasabing pinakamalaki sa kasaysayan ng SEA games  na maraming sports ang isinali,” wika ni Nazifuddin.

STATE-OF-THE-ART
NA PASILIDAD AT MAHUSAY
NA WORK ETHICS

Pinuri ng Technical Director ng Athletics Stadium and Aquatics Center noong nakaraang SEA Games, Ibrahim Nada, ang “state-of-the-art” na Aquatic Complex sa New Clark City na kayang tumanggap ng hanggang 2,000 manonood.

Umabot sa 135 swimmers mula sa 11 bansa ang nakapaglaro sa championship na ginanap sa nasabing Aquatics facility.

Dagdag ni Nada, papasa itong venue ng mga international at pambansang palaro para sa swimming, diving, water polo, at maging artistic swimming.

“Umaasa ako na ang New Clark City Aquatic Complex ay magbibigay ng inspirasyon at makapagbibigay ng motibasyon sa mga atletang Filipino at makapagbibigay ng favorable impact sa susunod na performance na makapagtataas ng competition standard sa Filipinas,” wika niya.

Hinangaan din ni Nada ang mahusay na work ethics ng mga Filipino.

“Bawat technical official, staff member, at volunteer na nagtrabaho ay nagbigay ng kanilang mataas na degree of professionalism at sinuportahan nila ang bawat delegation member na nasa venue. Maganda rin ang kanilang suportang binigay sa event production,” ani Nada.

Nagpasalamat ang opisyal ng NOC Indonesia na si Harry Warganegara at ang Pangulo at CEO ng Dentsu Sports Asia na si Kunihito Morimura sa mga organizing committee at sa lahat ng Filipino para sa mainit na pagtanggap at sa ipinakita nilang propesyo­nalismo.

“Gusto ko talagang makabalik sa Filipinas at makita ang mga pagbabago sa sports landscape in the Philippines,” wika ni Morimura.

Ayon kay PHISGOC Chief Operating Officer Ramon Suzara, ang pagiging matagumpay ng SEA Games ay dahil sa pinagsama-samang pagsisikap ng mga atleta, mga opisyal, mga sponsor, mga media, at mga manonood na bumubuo sa komunidad ng SEA Games sa Filipinas.

“Ang Final Report Book na nakatakdang ipasa sa SEA Games Federation ay sumasalamin sa lahat ng pagsisikap na ibinuhos ng buong team at pamilyang bumubo ng PHISGOC,” dagdag ni Suzara.

About hataw tabloid

Check Also

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

AVC Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

AVC: Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *