GINAMIT ni FC lightweight Khabib Nurmagomedov ang social medial para ibahagi ang ‘positive message’ sa kanyang kababayan at fans tungkol sa ‘road safety.’ Ang tinaguriang ‘The Eagle’ ay hindi maikakaila na isa nang ganap na superstar para sa mga fans ng mixed martial arts. Hindi rin maitatatwa na ang buong Russia ay nasa kanyang likuran. At sa kasalukuyan ay naging popular na rin siya sa America at sa Middle East.
Si Nurmagomedov na may kartang 29-0 sa UFC ay ilang beses nadale ng ‘road accidents’ sa mga nakaraang buwan. At ang kanyang maikling mensahe tungkol sa road safety habang nagmamaneho ay lubos na tinanggap ng kanyang fans at iba pang personalidad sa sirkulo ng MMA. Pinaalalahanan ni Khabib ang lahat na meron silang nagmamahal na naghihintay sa kanilang tahanan at dapat lang na isaisip parati ang pagiging ligtas habang nagmamaneho.
Si Khabib na nagretiro lang kamakailan sa kompetisyon pero nananatiling may oras siya para makipagkonekta sa kanyang mga fans.
Ang tinaguriang “The Eagle” ay huling lumaban sa UFC 254 nung Oktubre 25, 2020 sa UFC Fight Island sa Abu Dhabi, United Arab Emirates laban kay interim lightweight champion Justin Gaethje. Ipinakita niya rito ang kanyang pagiging dominanteng fighter nang pasukuin niya si Gaethje via Triangle Choke sa second round.
Pagkaraan ng panalong iyon kay Gaethje ay inanunsiyo niya ang pagreretiro. Pero ilang linggo lang ang nakaraan ay nag-post ng mensahe sa Twitter ang kanyang manager na si Ali Abdelaziz para kumpirmahin na magbabalik si Khabib sa Octagon.
Inaasahan ng mga fans na sa pagbabalik ni Nurmagovedov ay maipoposte niya ang 30-0 laban sa itinuturing na GOAT (Greatest Of All Time) na si Georges St-Pierre.