NAIIBA at hindi pa nagawa. Ito ang idinahilan ni Direk Eduardo Roy Jr., sa launching ng Ang Daigdig Ko’y Ikaw na ginanap sa INC Museum noong Martes nang tanungin kung bakit niya tinanggap ang isang romantic drama series na pinagbibidahan nina Ynna Asistio at Geoff Eigenmann na mapapanood na simula Nobyembre 28, Sabado, 8:00 p.m. sa Net 25.
Ibang-iba kasi ang Ang Daigdig Ko’y Ikaw sa idinidirehe niyang teleserye sa iWantTFC na Oh Mando at mga pelikulang Quick Change, Pamilya Ordinaryo, Last Fool Show, Fuccbois, at Lola Igna.
Katwiran ng director, ”He is stepping an alien territory. Ibang milieu kasi ang melodrama. Ang gusto ko kasi kapag tumatanggap ako ng project ay ‘yung gagawa ako ng isang material na hindi ko pa nagawa. Hindi ka lang dapat basta sugod nang sugod. As a filmmaker, you must choose your battles in the cinematic universe.”
Bukod sa naiiba ang ADKI, napansin namin base sa teaser na ipinakita na medyo lumang soap opera ito. Bukod sa luma rin ang setting.
Paliwanag ni Direk Roy, ”Ang universal message ng ‘Ang Daigdig Ko’y Ikaw’ ay tungkol sa pag-ibig, wala na sigurong luluma at babago roon kaya siguro timely at classic nga pero nai-tackle pa rin ang pag-ibig in a modern times.
“At pinili naming ikuwento sa gitna ng pandemya kung paano magmahalan at ma-resolve ang unfinished business sa gitna ng pandemya na kinakaharap natin ngayon.”
Sa kabilang banda, iginiit naman ng director ng sales and marketing ng Eagle Broadcasting Company na si Caesar Vallejos na pampamilya ang mga ginagawa nilang serye o show sa Net 25.
“NET 25 is if course caters for the whole family. So with the whole family, we wanted to address the target markets that’s why if you’re watching NET 25, we also have NET 25 kids program.
“Also, we would want to tap the millennials also catering that with our talent search competitions, so the talent search competition does not only catered to specific mature audiences but could be the younger market.”
Sa kabilang banda, natutuwa naman si Direk Roy na si Ynna ang nabigyan ng chance para magbida sa kauna-unang romantic show na ipinrodyus ng EBC at kinunan sa Las Casas Filipinas de Acuzar ng Net 25.
Aniya, ”Natutuwa ako na nabigyan ng break si Ynna kasi she is a good actress. When you first see her, akala mo wala lang. But there is something about her that grows on you.”
Pinuri rin ni Direk Roy si Geoff. Aniya ”Dahil maraming TV drama experience si Geoff kaya alam niya ang proper blocking, marking. Alam hanapin ang kayang ilaw. And there was a scene na may actor’s cue kami supposedly pero wala on cue pero umiiyak na siya.
Iginiit din ni Direk Roy na may chemistry ang dalawa. ”Nararamdaman ko ang kilig sa kanilang dalawa. Alam mong they were portraying Reina and Roman for real. They were emotionally invested sa characters kaya captured ng camera yung kilig at chemistry.
Bukod kina Ynna at Geoff, kasama rin sa Ang Daigdig Ko’y Ikaw sina Tanya Gomez, Richard Quan, Adrian AJ Muhlach, Anna Mabasa-Muhlach, Arielle Roces, Jiro Custodio, Shiela Marie Rodriguez, Paulyn Ann Poon, Manolo Silayan, Myrna Tinio, Jellex David, at Elizabeth Oropesa mula sa panulat ni Bing Castro-Villanueva under the supervision of director/writer Nestor Malgapo, Jr..
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio